HERBED ROASTED PORK BELLY

Walang pasok o non-wotking holiday yesterday November 7, 2011. Sa bahay lang kami ng aking asawa at mga anak. At komo kumpleto kami lahat sa bahay, naisipan kong magluto ng isang espesyal na tanghalian. Actually simpleng tanghalian lang pero punong-pino ng flavor.

Roasted pork belly ang niluto ko. Para mapasarap ito, nilagyan ko ito ng herbs at spices. At isa pa, hindi ko na pinakuluan ang pork belly. Diretsong niluto ko na ito sa turbo broiler after kong ma-marinade sa mga herbs at spices. Komo nga hindi na ito pinakuluan, juicy ang laman nito at crunchy talaga ang balat.

Para mayroon namang sabaw, nagluto na langang ng instant laksa noodles soup. Itong yung noodle soup na kilalang-kilala sa Singapore. Kahit instant noodle soup lang ito hindi naman kulang sa lasa. Masarap talaga at tamang-tama lang ang pagka-anghang nito.


HERBED ROASTED PORK BELLY

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
1 tbsp. Rock salt
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 tsp. Dried Rosemary
1 tsp. Paprika
1/2 tsp. freshly ground Black Pepper
1// tsp. Maggie magic Sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghalu-haluin ang lahat ng sangkap maliban sa pork belly.
2. Hiwaan ang pork belly ng mga 1/2 inch ang pagitan.
3. Kiskisan ng mga pinaghalong sangkap ang paligid at mga singit-singit ng pork belly.
4. Hayaan muna ng mga 1 oras.
5. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 'C sa loob ng isang oraso hanggang a pumula at maging crispy ang balat.
6. Hayaan munag lumamig sanali bago i-chop.

Ihain ito na may kasamang sawsawan na pinagsamang toyo, katas ng calamansi, suka, sibuyas, kamatis at konting asukal.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Naku kuya... ginutom ako. Parang gusto ko bumili ng liempo at gayahin ang recipe mo hehehe
Dennis said…
Hehehe...Yan ang gusto ko J...yung gayahin ang mga pino-post ko na recipe then feedback back lang kung ano ang naging resulta.

Actually, marami na ang nag-email sa akin at succesful naman lahat. Hehehe


Dennis
Anonymous said…
anung mangyari pag kinulo mo yung meat kuya? haha mukhang masarap nga, esp pag isawsaw mo sa toyo pati suka na may sili. hahaha! cheers! - gio
Dennis said…
Hi Gio,

Okay lang din naman kung pakukuluan mo muna yung karne. Yun lang, komo nga pinakuluan mo na siya, lumalabas yung juice ng karne at sumasama sa sabaw na pinagpakuluan. So, nagiging less juicy ang finished product mo.

Kung yung liempo na nabili mo ay medyo makapal ang balat o matanda na yung baboy, mainam na pakuluuan muna hanggang sa lumambot.

Pero kung manipis lang yung balat at bata pa yung baboy, mas mainam na diretso na sa turbo broiler o oven. With this, nandubn pa rin yung juice ng karne at malalasahan mo talaga pag kinain mo na.

Thats it....

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy