NOCHE BUENA MENU: Part 1 - PASTA DISHES

Papalapit na talaga ang kapaskuhan. Ang pinakamasayang araw na hinihintay ng lahat nating mga Filipino. Di ba naman. Basta tumuntong na ang ber months ay talaga namang parang hinihila na ang kapaskuhan. Kahit ang mga malls maagang naglalagay ng mga palamuti at sa radyo naman ay nagpapatugtog na ng mga awiting pamasko.

Isa sa ating pinaghahandaan tuwing pasko ay ang pagkaing ating ihahain sa ating noche buena. At kagaya ng aking nakagawian sa food blog kong ito, nagpi-feature ako ng noche buena menu suggestion para sa aking mga taga-subaybay.

This time, minarapat ko na gawing series ito para mas marami tayong mapagpilian. At ang part 1 nga nito ay itong mga pasta dishes. Para naman maiba sa ordinaryong spaghetti na inihahanda natin narito ang ilan sa mga pasta dishes na isa-suggest ko:

1. SHRIMP and ALIGUE PASTA (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/07/shrimp-and-aligue-pasta.html)

2. PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/10/penne-pasta-with-pumpkin-sauce.html)

3. TUNA PASTA with ROASTED TOMATOES ( http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/11/tuna-pasta-with-roasted-tomatoes.html)

4. CREAM CHEESE BACON in BOWTIE PASTA ( http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/01/cream-cheese-bacon-in-bowtie-pasta.html)

5. CREAMY PESTO and BACON PASTA (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/09/creamy-pesto-and-bacon-pasta.html)

These are only some of the pasta dishes na na-feature ko dito sa aking blog. Marami pang iba na pwedeng din ninyong i-check sa archive. Click nyo lang yung label na PASTA at i-bu-view na sa inyo ang list ng lahat ng pasta dishes.

I hope makatulong ito kahit papaano sa inyo.

Abangan ang part 2... :)

Comments

Unknown said…
Good food brings people together. Finger food is best suited for all occasions, it is light and people love eating it.The food in those photos looks amazing, I am literally getting hungry right now.

catering in philippines
Dennis said…
Thanks Ms. Zonia...sorry for my late reply.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy