PORK BURGER for BREAKFAST

Sa ating mga Pilipino, pangkaraniwang pagkain natin sa umagahan, tanghalian at hapunan ay kanin at ulam. Parang hindi kumpleto ang ating kain kung hindi tayo kakain ng kanin.

Pero sa pag-usad ng ating panahon at sa pag-usbong ng maraming mga fastfood sa ating mga paligid, nasanay na din tayo sa pagkain ng mga sandwiches o burgers sa ating mga pagkain.

Kaya naman para maiba ang tradisyunal na almusal namin katulad ng sinangag, itlog at tocino halimbawa, naisipan kong magluto ng pork burger. Yun lang kung tutuusin may mahal ito kumpara sa kanin at ulam na almusal. Pero okay lang. Basta para sa aking pamilya at kung paminsan-minsan lang naman.

Also, sa burger, hindi limited ang mga toppings na pwede nyong ilagay. Nasa sa inyo yun kung ano ang gusto ninyo. Dito sa version ko, nilagyan ko ito ng caramelized onion at canned pineapple. The result? Isang masarap na almusal... :)


PORK BURGER for BREAKFAST

Mga Sangkap:
1/2 kilo ground Pork
1/2 tsp. 5 Spice powder
2 tbsp. Worcestershire sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 large Onion finely chopped
5 cloves minced Garlic
1 pc. Egg
1/2 cup Cornstarch or Flour
1 tsp. ground Pepper
Salt to taste

For the toppings:
1. Cheese
2. Cucumber
3. Tomatoes
4. Caramelized Onion
5. Canned Pineapple
6. Mayonaise or Sandwich spread
7. Catsup
8. Hamburger buns

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap. Haluing mabuti.
2. Kumuha ng nais na dami ng pinaghalong sangkap, i-form na parang bola at i-flat para makagawa ng burger patties.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-pan-grill ang burger hanggang sa maluto ang magkabilang side.
4. To assemble, I-grill sandali ang hamburger bun. Lagyan ng mayonaise ang hamburger bun, ilagay ang nilutong pork burger at sunod na ilagay ang ibat-iba pang toppings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Punta ako diyan para makikain! ;-)
Dennis said…
Hahaha...Oo ba...walang problema...hehehehe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy