ROASTED LIEMPO with CREAMY BAGOONG SAUCE

Ang dapat sanang luto na gagawin ko sa liempong ito ay parang lechon kawali. Kaya lang, natakot ako sa disgrasya habang pinipirito ito. Di ba naman? magtitilansikan at magpuputukan ito habang pini-prito. Bukod pa sa maraming mantika ang gagamitin mo, malaking linisan din ang gagawin mo sa iyong kusina. Hehehe

Kaya minabuting i-roast ko na lang ito sa turbo broiler sa pinaka-mataas na init para mapalutong ko din ang balat. Success!!! Masarap ang kinalabasan ng aking luto.

Also, sa halip pala na lechon sauce o suka na may toyo at sili ang sawsawan nito, minabuti kong ibahin at bagoong na may mayonaise at pickle relish ang ginawa ko. Yummy! kanin pa nga....hehehe.


ROASTED LIEMPO with CREAMY BAGOONG SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)
2 pcs. Dried laurel leaves
1 tbsp. 5 Spice Powder
1 cup Lady's Choice Mayonaise
1 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 tbsp. Shrimp Bagoong
1 pc. Onion quartered
5 cloves Garlic
1 tsp. Whole Pepper corn
Maggie magic Sarap (option)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang pork liempo sa tubig na may dried laurel leaves, asin, paminta, bawang at sibuyas hanggang sa lumambot.
2. Palamigin sandali at hiwain ng mga 1/2 inch ang kapal.
3. I-rub ng pinaghalong 5 spice powder at maggie magic sarap ang magkabilang side ng hiniwang liempo.
4. Isalang ito sa turbo broiler at i-set sa pinakamainit na temperatura at lutuin muli ang liempo hanggang sa pumula at lumutong ang balat.
5. Para gumawa ng sauce, paghaluin lamang ang mayonaise, sweet pickle relish at bagoong. Tikman ang i-adjust ang lasa.

Ihain ang hiniwang roasted liempo kasama ang sauce na ginawa.

Enjoy!!!!

My entry for:
FTFBadge


Comments

Unknown said…
may teknek nyan para di mapaso... basain mo yong braso o kamay mo, matilamsikan ka man, di masyadong mainit...hehe

i miss pork with taba..kasi may pork dito sa sweden pero wala ng taba..puro laman lang.

visiting from FTF. Hope to see you at my blog.

http://www.kat-in-the-kitchen.info/2011/11/25/steamed-crab/
J said…
nice idea yan, kuya!
Dennis said…
Hi Kat,

Thanks for visit. Hindi na ako masyadong nagluluto ng lechon kawali na prito. Sa turbo broler na lang para mas madali....hehehehe.

Yun ang mahirap kapag wala naman taba ang pork mo...dry ang meat at parang walang lasa. I suggest i-marinade mo siya na may kahalong olive oil para hindi maging dry na dry.

Yup..visit ako sa blog mo....Wow! alimango...gusto ko yan.....hehehehe


Dennis
Dennis said…
Thansk J....Try mo din ha


Dennis
Unknown said…
Creamy bagoong sauce? im curious kong anong lasa. picture pa lang mouth-watering na. i would love to try it with that creamy bagoong sauce.

stopping by from FTF: i have some slices of Banana cake
Dennis said…
Hi Ruth,

May commercial noong araw na pinaghalo yung mayonaise at bagoong. Dun ko nakuha yung idea para dito. masarap.... maalat na matamis na maasim ang lasa.

Thanks for the visit


Dennis
Jessica said…
yum..it sure looks very yummy, am drooling too. I am sure I cannot button my pants after eating this food. Dropping some love for Food Trip Friday, hope that you can return the favor too Brother Dennis :-)

http://www.kandhistools.com/my-food-trip-friday-is-a-beef-jerky/

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy