SPICY PORK SPARERIBS ADOBO

Wala sigurong Pilipino na hindi kumakain ng adobo. Kung mayroon sigurong pambansang ulam, ito marahil adobo ang panalo. Bakit ba naman? Kahit sa ibang bansa ay kilalang-kilala ito.

Maraming klase ng adobo. Nagkakaiba-iba din ang mga sangkap nito depende sa lugar. Kahit ang pamamaraan ng pagluluto ay nagkakaiba-iba din.

Kagaya nung napanood ko na cooking show last Sunday, I think sa may Dagupan yung pinag-shooting-an. Yung adobo nila ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis. Ako kasi ang naka-gisnan ko ay bawang, suka, toyo at paminta lang ang mga sangkap.

But anyway, in-adobo ko ang nabili kong pork spareribs last Sunday. At para maiba naman, nilagyan ko ng twist ang ang ordinaryong adobo at iniba ko din ng konti ang paraan ng pagluluto. Ang resulta? Kayo na ang humusga base sa picture na nakikita nyo sa itaas. Hehehehe. Rice pa nga..... hehehehe


SPICY PORK SPARERIBS ADOBO

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Spareribs (cut into 1 inch cube in-between bones)
1 cup Cane Vinegar
1 cup Soy Sauce
2 pcs. Dried Laurel Leaves
2 heads Whole Garlic
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Chili powder or 3 pcs. Siling labuyo (bahala na kayo kung gaano ka-spicy ang gusto ninyo)
1 tsp. brown Sugar
Water as needed
2 tbsp. Cooking oil
2 pcs. Potatoes cut into cubes
Salt if still needed

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng spareribs ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-roast ang bawat butil ng bawang hanggang sa lumambot at medyo masunod ng konti.
3. Sa parehong kawali, i-brown ang magkabilang parte ng spareribs sa kaunting mantika.
4. Isalin ang karne sa isang kaserola at ilagay ang laurel, chili powder, suka, toyo, paminta, 5 cups na tubig at yung dinurog na ni-roast na bawang.
5. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas at brown sugar. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Naku kuya.... ginutom ako sa adobo mo!
Dennis said…
Sinabi mo J....panalo ang spicy pork adobo ko na ito. Hehehe
Anonymous said…
another winner. hahaha kuya, may subscribe button ba yung blog mo for your rss feeds? i want to subscribe sana and wala akong mahanap na way para malagay yung blog mo sa google reader ko. :) - gio
Dennis said…
Thanks Gio....Papaano ba yun? hehehehe. Sige i-check ko dito sa blogspot.com. Pero ata pero di ko pa nai-explore.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy