TUNA PASTA with ROASTED TOMATOES
Isang healthy pasta dish ang handog ko para sa inyong lahat na taga-subaybay ng food blog kong ito. Tuna pasta with Roasted Tomatoes.
Sun-dried tomatoes dapat ang isa sa pangunahing sangkap ng pasta dish na ito. Pero komo sa turbo broiler ko pinatuyo ang kamatis at hindi sa init ng araw, tinawag ko na lang itong roasted tomatoes.
Na intriga ako na masarap da sa pasta yung subn-dried tomatoes kaya ko sinubukang lutuin ito. At hindi naman ako nagkamali. Masarap at malasa ang pasta dish na ito. Healthy pa. Hehehe
TUNA PASTA with ROASTED TOMATOES
Mga Sangkap:
400 grams Penne Pasta (cooked according to package direction)
1 can Century Corned Tuna
8 pcs. Century Tuna Hotdog (sliced)
500 grams Ripe Tomatoes
2 cups Tomato Sauce
2 cups Grated Cheese
1 tsp. Dried Basil
3 tbsp. Olive Oil
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion chopped
Salt and pepper to taste
Paraan para gawin ang Roasted Tomatoes: (Gawin ito a day bago gawin yung pasta sauce)
1. Hiwain sa apat ang bawat piraso ng kamatis.
2. Alisin ang buto at ilagay muna sa isang bowl.
3. Budburan ng tama lang na dami ng asin., I-shake at alisin ang excess na tubig.
4. I-roast ito sa turbo broiler or oven sa init na 250 degrees hanggang sa matuyo.
Paraan ng pagluluto ng pasta sauce:
1. Sa isang sauce pan o non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2. Sunod na ilagay ang tuna hotdogs at hayaan ng mga ilang minuto.
3. Sunod na ilagay ang corned tuna at ang chopped roasted na kamatis. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang tomato sauce at timplahan ng asin, paminta at dried basil. Maaring lagyan ng 1/2 na tubig para hindi naman maging dry ang sauce.
5. Huling ilagay ang 1 cup na grated cheese.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay na ang nilutong penne pasta at haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang grated cheese.
Ihain na may kasamang garlic or toasted bread.
Enjoy!!!!
Comments