UNDAS 2011 @ SAN JOSE, BATANGAS
Sa araw na ito muling ipinagdiriwang sa buong bansa nating mga Pilipino ang araw ng mga Santo at araw ng mga namatay na. November 1 is All Saints Day and November 2 naman ang All Souls Day. Pero kagaya ng nakaugalian na sa November 1 natin dinadalaw ang ang mga namatay na na mahal sa buhay.
Lahat tayo kasama ang buong pamilya ay nagpupunta sa mga puntod ng ating mga mahal sa buhay dala ang mga kandila na itutulos at mga bulaklak na iaaalay.
Yung iba naman ay nagdadala na din ng mga pagkain at nagiginbg parang reunion na din ng mga pamilya.
Katulad ng aking pamilya, kasama ang aking asawa at mga anak, nagpupunta kami sa puntod ng namayapang ama ng aking asawang si Jolly sa public cemetry ng San Jose, Batangas.
Dumalaw din kami sa mga puntod ng kanyang mga lolo at lola at ilan pang mga kamag-anak.
At kagaya ng sinabi ko kanina, nagiging parang reunion ito ng pamilya. Kaya naman masaya din ang lahat sa pagkikita-kita.
Iyun ang maganda sa kaugaliang ito nating mga Pilipino. Kahit wala na ang ating mga kapamilya, inaalala pa rin nati sila at naguukol tayo ng panahon at dalangin para sa kanila.

Comments