CELEBRATING CHRISTMAS @ TAGAYTAY HIGHLANDS

Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!!

Hindi katulad ng pangkaraniwang Christmas party na ginagawa natin sa ating mga pinapasukan, kami ng aking mga kaopisina ay nag-celebrate ng aming party sa Tagaytay Highlands.

Sa tulong na din ng aming officemate na si Darwin, pinili naming dito mag-celebrate para naman maiba at ma-enjoy na din ang magandang lugar ng Tagaytay Highlands.

Pang-tatlong beses ko nang mapunta sa lugar na ito. At talaga namang na-enjoy ko ang aking bawat pagbisita.

(Nasa larawan sa taas pala ang aking mga staff: Standing at the back from left: Inigo, Paulo, Lerie, Ian, Richard at Edward. Nakaupo naman from left: Darwin, ako and Norbert.)

This time hindi maganda ang panahon ng kami ay pumunta. Paparating kasi ang bagyong Sendong nung araw na yun. Kaya naman kung mapapansin ninyo napaka-kapal ng ulap na tumatakip sa lugar at bukod pa sa ulan. Ang nakakatuwa, maulan nung pamunta kami sa lugar pero nung nandoon na kami at pinagbigyan kami at hindi nga umulan. Kaya naman sinamantala namin ang pagpapa-picture at damhin ang lamig ng kapaligiran.

Pumunta din kami sa mini-zoo na nasa loob at na-enjoy din naman namin ang ibat-ibang hayop na naroroon.

Na-enjoy din namin ang short ride sa train nila na naka-tagilid. Hehehehe. Yes. kais papalusong yung train mula sa high lang pababa ng mid-land. Para itong train sa Victoria Peak sa Hongkong.

At syempre party ito, pwede bang mawala ang masasarap na pagkain. Dapat sana sa iang restaurant sa midland kami kakain. Mga local Pilipino food ang kanilang sine-serve. Kaso hanggang 7pm lang isla open at wala na kaming time pa.

Kaya napagpasyahan naming sa China Palace na lang kami mag-dinner. Set menu ang aking in-order para mas madali para sa amin at tnatya ko na rin para sa budget.

Ang mga pagkain na aming kinain sa aking pagkatanda ay ang mga sumusunod: Combination platter, steamed fish with toasted garlic, shrimp with vegetables, chicken asparagus, crispy spareribs. May spinach soup din, buchi at sticky rice naman para sa dessert.

Nag-enjoy naman ang lahat sa aming kinain. Kahit may kamahalan, sulit na sulit ang dinner namin na ito. Umuwi kami na masaya at may magandang karanasan sa lugar.

Bagamat may hindi magandang nangyari sa Cagayan de Oro at iba pang lugar na tinamaan ng bagyong Sendong nung araw na yun na kami ay nagsasaya, taos puso kaming dumadalangin na sana ay malampasan nila ang unos na kanilang pinagdadaanan.

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy