CHICKEN CONGEE with EGG - Chinese Style


Sa may MRT Station sa Cubao, may bagong bukas na chinese fastfood na nag-se-serve ng mga dimsum, noddles, congee at iba pa. May malaki pa nga silang banner sa may hagdanan ng MRT na nakikita ko palagi tuwing umuuwi ako galing sa opisina.

Hindi ko pa na-try na kumain dito siguro one of this day. Pero ang nasa isip ko tuwing nakikita ko ang mga litrato ng mga food nila ay napapa-isip ako na magluto din nito. At isa na nga dito ang Congee o lugaw sa ating mga Pilipino.

Nung minsang kumain ako ng congee sa isang sikat na chinese fastfood chain dito sa Pilipinas, hindi ko talaga nagustuhan ang lasa. Wala naman talagang lasa at bale yung mga sauce at toppings lang ang nagpapalasa dito. Since then hindi na ako umulit na umorder ng congee sa fastfood chain na yun. Mas gusto ko pa rin yung lugaw natin na malasa ang sabaw dahil sa pinakuluang mga buto-buto ng baboy at yung lasa ng luya sa arroz caldo.

Yun pinoy na lasa pa rin ang ginawa kong luto sa congee ko na ito. Ginawa ko na lan na chinese style dahil sa mga toppings na aking inilagay.

In general, masarap ang congee ko na ito. Pwedeng pang-restaurant. hehehehe


CHICKEN CONGEE with EGG - Chinese Style

Mga Sangkap:
3 pcs. whole Chicken Breast
1 cup Long grain Rice
1 cup Glutinous Rice / Malagkit
1 head minced Garlic
1 medium size Onion sliced
2 thumb size Ginger sliced
2 pcs. Knorr Chicken Cubes
4 tbsp. Canola oil
6 pcs. Hard Boiled Eggs
Salt to taste
Patis to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Igisa ang luya at isunod na din ang sibuyas.
3. Ilagay ang manok at timplahan ng patis. Hayaang masangkutsa.
4. Lagyan ng tubig. Mga kalhati ng kaserola. Pakuluan hanggang sa maluto ang manok.
5. Kung luto na ang manok, hanguin ito sa isang lalagyan.
6. Ilagay na ang hinugasang long grain rice at malagkit. Pakuluan hanggang sa maluto. Haluin palagi para hindi magtutong s bottom ng kaserola. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
7. Huling ilagay ang knorr chicken cubes. Tikman ang lugaw at timplahan muli ng patis o asin ayon sa inyong panlasa. Ilagay na din ang Maggie magic sarap.
8. To assemble: Maglagay ng tamang dami ng lugaw sa isang bowl. I-slice ang manok at ilagay sa ibabaw ng lugaw. Ilagay din ang hinating nilagang itlog. Ilagay na din ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
Everything was so good! I'm glad you had a great tasting experience and that you got to taste every last bite of it then. Keep posting!

catering services in philippines
Dennis said…
Hi Ms. Zonia...Thank you for visiting my blog. I also visit yours... I hope in the near future I can put up a catering business just like yours.

Thanks you


Dennis
J said…
Ang ganda ng presentation, kuya! Pang-restaurant din!

http://notjustafoodblog.blogspot.com
Dennis said…
Thanks J...wala pa ngang onion leaves...mas maganda sana kung meron. Nakalimutan ko din lagyan ng potato chips. Ganun kasi yung nakikita ko sa mga chinese restaurant...hehehehe

Merry Christmas J!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy