CHICKEN PORK ADOBO with a TWIST

Hindi siguro natin kayang bilangin ang dami ng version ng ating paboritong adobo. Depende kung saang lugar, may sarili silang version at pamamaraan ng pagluluto nito. Maging sa sangkap ay nagkakaiba din. May mga nadadagdag at may nababawas din. Basta hindi nawawala ang bawang, suka at paminta.

Marami na din akong adobo recipe na nasa archive. This time nilagyan ko ng twist ang aking chicken pork adobo na ito. Dahil sa twist na ginawa ko, naging mas masarap at malasa ang aking adobo.


CHICKEN PORK ADOBO with a TWIST

Mg Sangkap:
3/4 kilo Pork kasim cut into cubes (mas mainam kung mag kaunting taba para hindi maging dry ang ating adobo)
3/4 kilo Chicken cut into serving pieces
1 head Garlic
1 tsp. Whole Pepper Corn
2 pcs. Dried laurel leaves
1 cup Vinegar
1 cup Soy sauce
1 tbsp. Brown Sugar

Paraan ng pagluluto:
1. I-blender ang lahat ng mga sangkap maliban sa manok at baboy ng mga ilang sigundo lang.
2. Ilagay sa isang plastic bag o zip block ang manok, baboy at ang ginawang marinade mix. Hayaan sa fridge ng overnight o higit pa.
3. Paghiwalayin ang baboy at manok na minarinade.
4. Unang lutuin ang baboy sa isang kaserola kasama ang marinade mix. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan habang niluluto.
5. Kung malambot na ang baboy ay saka ilagay ang manok. Takpan muli hanggang sa maluto ang manok. Again, maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Sa isang non-stick na kawali, isalin ang nilutong manok at baboy at i-prito ito hanggang sa pumula ng kaunti ang mga side.
7. Ilagay na din ang adobo sauce na pinagpakuluan at hayaan pa ng ilang minuto.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy