CRISPY PORK ADOBO FLAKES with GREEN MANGO STRIPS


Noon ko pa gustong i-try gawin at lutuin itong entry ko for today. Ang Crispy Pork Adobo Flakes. Marami na rin kasi akong nabasa na magandang review sa dish na ito. Pwede ding chicken ang gamitin pero komo pork ang available sa fridge ko nang maisipan kong gawin ito, yun na lang ang ginamit ko.

Ang maganda sa dish na ito, pwede itong gawing appetizer, pulutan at kahit pang-ulam. Sinamahan ko din ng green mango strips at talaga namang mas lalong sumarap ang adobo flakes na ito. Naghahalo kasi yung alat ng adobo at asim ng mangga. The best para sa akin ito.


CRISPY PORK ADOBO FLAKES with GREEN MANGO STRIPS

Mga Sangkap:
1 kilo whole Pork Kasim or Pigue
1 cup Vinegar
1 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black pepper
2 pcs. Dried laurel Leaves
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
1 pc. Green Mango (cut into strips)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa green mango at cornstarch. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kapag kinulang ito at hindi pa malambot ang karne.
2. Kung malambot na ang karne, hanguin ito at palamigin muna.
3. Gamit ang dalawang tinidor o kahit kamay na lang, himayin (i-flake) ang karneng inadobo into strips.
4. Sa isang non-stick na kawali, i-tusta o i-prito ang adobo flakes ng walang mantika hanggang sa maging crispy. Halu-haluin lang para hindi masunog at maging even ang pagka-crispy ng lahat ng adobo flakes.
5. For the sauce, lagyan ng tinunaw na cornstarch ang pinaglagaan o ang sauce ng adobo at isalang muli sa kalan. Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. To assemble, ilagay ang adobo flakes sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang mango strips. Ilagay sa isang bowl ang ginawang adobo sauce at ilagay sa tabi ng adobo flakes.

Ihain ito habang bagong luto at mainit-init pa.

Enjoy!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Unknown said…
ako din curious how to cook adobo flakes, i have to try ur recipe looks easy peasy...

visiting from FTF, my entry http://www.foodplacebadtrips.com/tim-hortons-cafe-bakeshop/
J said…
gusto ko ito, kuya! Pero saan pa ba pedeng gamitin ang dobo flakes?
Dennis said…
Hi Yuuki....madali lang talaga. Kung may left over adobo ka, i-fry mo lang sa non-stick pan na walang mantika and presto may adobo flakes ka na. Pero mas masarap talaga kapag may green mango. Winner!!!!

Thanks Yuuki...

Dennis
Dennis said…
@ J...bukod sa appetizer at main course...pwede din ito na side dish....or toppings sa filipino salad (kamatis, mangga, sibuyas, salted egg, etc.) Winner to J....
Jenn Valmonte said…
I will try this using chicken... I recently bid pork adieu because I am on a journey to weight loss and wellness.

Hopping from Food Trip Friday.
Dennis said…
Tama Ms. Jenn....yun din ang balak kong gawin the next time na magluto ako nito.

Thanks
i♥pinkc00kies said…
nice. great for leftover adobo too. OK yan palaman sa sandwich :D
Unknown said…
wow! di ko pa na try to ah! magluluto nga ako nito pag balik ko ng Pinas next week hahaha. Visiting from FTF.

http://www.lifestylehomemaking.biz
Dennis said…
@pinkcookies....oo nga lagyan mo lang ng mayonaise... winner ito
Dennis said…
@ Kat....Wow! uwi ka pala d2 sa PInas...pasalubong ha...hehehehe
Jessica said…
You are such a great cook Kuya Dennis, anong secreto? Am sure this pork is another delish recipe of yours. Visiting for FTF, hope that you can return the favor too.

http://www.tropical7107islands.com/2011/12/my-son%E2%80%99s-dessert-at-filipino-american-party.html
Dennis said…
@wifetoalineman02....thanks for the compliments ha. Wala naman talagang sekreto. I just cook from my heart. Basta iniisip ko lang habang nagluluto ako...dapat magustuhan ito ng kakain.

Happy New Year!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy