MANGO GELATIN

Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan kapag ganitong magpa-pasko o bagong taon, kahit mahirap ang buhay iniraraos pa rin namin na makapag-handa kahit papaano ng mga masasarap na pagkain. Kung baga kung ano ang kaya ng budget ay yun na lang basta may mapagsaluhan. Ang importante ay sama-sama ang buong pamilya.

Tanda ko noon, gumagawa ng gelatin ang aking Inang para dessert. Yun bang gulaman na kulay pula tapos hahaluan lang ng gatas tapos nilalagyan din ng pasas. Nagiging kulay pink na ito at kaaya-aya na sa hapag kainan. Mura lang ang magagastos kapag nagluto ng ganito.

Yun ang naalala ko nung ginawa ko ang mango gelatin na ito. But this time, nilagyan ko ng flavor ng mangga. At para mas maganda at katakam-takam sa paningin, nilagyan ko pa ng sliced na mangga sa bottom ng hulmahan para pag itinaob na sa plato ay mayroong konting design.

Madali lang gawin ito. Pwede din nating ihanda ito sa ating noche buena o media noche.


MANGO GELATIN

Mga Sangkap:
4 pcs. Hinog na Mangga (kunin lamang yung pisngi o laman)
1 big can Alaska Evap (red or white label is okay)
1 sachet Mr. Gulaman (yellow color)
1 cup White Sugar or more
1 tbsp. Vanilla

Paraan ng pagluluto:
1. Maghiwa ng ilang pisngi ng mangga at ilagay sa bottom ng llanera o molde na gagamitin. Bahala na kayong gumawa ng design na gusto ninyo.
2. Tunawin ang Mr. Gulaman sa maligamgam na tubig.
3. Magpakulo ng 2 na tasang tubig. Kapag kumulo na hinaan ang apoy at ilagay ang tinunaw na gulaman.
4. Samantala, i-blender ang mangga, alaska evap at asukal hanggang sa maging pino ito.
5. Isalin ang binlender na mangga sa nilulutong gulaman at haluin mabuti.
6. Ilagay ang vanilla at tikman. Maaring lagyan pa ng asukal kung nais.
7. Kapag medyo lumapot na ang mga pinaghalong sangkap, isalin na ito sa mga llanera o molde.
8. Palamigin sandali bago ilagay sa fridge.

Kung ihahain na padaan lang ng kutsilyo ang gilid ng llanera at saka itaob sa plato na paglalagyan. Maaari ding i-drizzle ng condensed milk o lagyan ng whipping cream sa ibabaw.

Enjoy!!!!

My entry for:
FTFBadge

Comments

i♥pinkc00kies said…
nice idea!! healthy and refreshing.
Dennis said…
Thanks pinkcookies....Happy Holidays to you and your family...
Unknown said…
Thank you so much for the mango gelatin ingredients, it seems look so sweetie nice one. :)

philippine catering services
Dennis said…
Thanks Ms. Zonia.... Yup..nagustuhan nga ng mga anak ko ang dessert na yan. Gusto nga nila gumawa ako niyan nung pang noche buena kaso iba ang plano ko na lutuin. Hehehehe
This is a perfect dessert! Happy New Year!!!!
Jessica said…
I love mangoes :-) it is my favorite fruit. This recipe looks very delish and healthy too Brother Dennis. Visiting for FTF, hope that you can return the favor too.

http://www.adventurousjessy.com/2011/12/i-am-thankful-to-god-for-blessing-me-another-precious-year.html

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy