NOCHE BUENA 2011 - SAN JOSE, BATANGAS
Hindi naging ganun kasaya ang nakaraan naming pasko. Hiwa-hiwalay kasi kami ng aking pamilya. Na-confine kasi ang panganay kong anak na si Jake dahil sa dengue. December 21 siya na admit. At sa kaarawan naman ng pasko ay nakalabas din siya. Kaya kung mapapansin ninyo, wala ang mag-ina ko sa noche buena namin.
Dapat sana kaming mag-ama ang magpapasko sa hospital. Pero naisip ng asawa kong si Jolly sino ang magluluto ng mga pinamili namin. Sa bahay pa naman ng biyenan ko magno-noche buena ang iba pa niyang kapatid at pamangkin. Kaya ayun, ako ang umuwi nga ng Batangas at siya naman ang nag-bantay sa hospital.
Maaga pa lang ay nagluto na ako ng mga pagkain na ihahanda namin sa noche buena. Para na rin kako hindi ako magahol komo maaga din ang misa para sa pasko.
At sakto naman na natapos ko ang lahat at nag-handa naman kaming mag-aama na sumimba.
Marami din ang nag-simba. Halos magkakamag-anak ang laman ng chapel. Maganda ang sermon ng pari.
11:45 o 15 minuto bago mag alas dose ay bigla namang nawalan ng kuryente. Kaya ayun, niyaya ko na sila na kumain. KUmain kami na kandila lang ang aming ilaw.
Eto ang aking mga inihanda: Sa taas, Baby back barbeque spareribs. Okay naman ang lasa. Yun lang may kakapalan ang taba.
No bake macaroni naman ang nasa itaas. No bake komo wala naman kaming oven. Masarap ang pasta dish na ito. Assorted sausages at bacon ang sahog na aking inilagay. Four cheese sauce naman ng del monte ang sauce na inilagay ko.
Syempre, mawawala ba ang hamon sa hapag. Yummy!!!
Kahit kakapa-kapa ako sa dilim, talagang kinunan ko pa rin ng picture ang hapag bago nagsuguran ang mga bisita. Hehehehehe.
Gumawa din pala ako ng Siu Mai para sa starter. Yun lang naiwan yung wonton wrapper sa bahay kaya konti lang yung nagawa ko nito. 1 pack lang kasi yung nabili ko sa palengke. Yummy ang siu mai na ito with home made chili-garlic sauce.
Fruity-Almond Graham Cake naman ang ginawa kong dessert.
Inilagay ko din sa hapag ang nabili kong tamalis. Di ba dapat may malagkit na food para stick together ang family? hehehehe
Ito ang paborito ko sa lahat ng dish na niluto ko. Baby Potatoes with Creamy Cheese and Bacon. Muntik nang hindi mai-serve ang dish na ito. Bakit naman? Iinit ko kasi dapat ito sa microwave para medyo mainit pag-serve. Nung nailagay ko na sa loob ang lalagyan at press ko na ang button to start sabay namatay naman ang kuryente. Kaya ayun, na-late ang serving ng dish na ito. Pero sa lahat nga ng dish niluto ko, ito ang puring-puri nila.
Sabi ko nga, malungkot ang naging pasko namin. Hiwa-hiwalay kami. Pero salamat na din at gumaling na ang aking anak na si Jake. I hope and pray na sana sa susunod pa na mga pasko ay hindi na mangyari ang ganito sa aming pamilya.
HAPPY NEW YEAR to All!!!!
This is my entry for:

Comments
http://www.adventurousjessy.com/2011/12/we-had-ham-on-christmas-eve.html