PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN

Kakatapos lang ng pasko at alam ko marami sa atin ang bagong taon naman ang ating pinaghahandaan. Syempre gusto natin masagana at maraming pagkain ang ating hapag sa media noche para mabiyaya ang unang araw pa lang ng taon.

Bukod sa mga bilog-bilog na prutas na atin inihahanda, very particular din tayo sa mga pagkain. Kung baga may mga kahulugan. Katulad na lang ng mga pagkain na gawa sa malagkit. para daw stick together ang buong pamilya. Pancit o mga noodles naman daw para pampahaba ng buhay. Marami din ang hindi naghahanda ng manok sa media noche komo daw isang kahig isang tuka lang ito.

Para sa akin, wala sa mga pampaswerteng ito ang ating hinaharap. Nasa sa atin iyun. Kung marami nga tayong pampaswerte at hindi naman tayo gumagawa at naghihintay lang tayo ng biyaya, papaano papasok sa atin ang grasya ng Diyos.

Kaya narito ang another version ko ng roasted chicken na pwede nyong ihanda sa media noche. This time minarinade ko ito sa pesto sauce ng mga 2 araw para lumasang mabuti sa laman ng manok. Masarap ito. Tamang-tama sa media noche.


PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into half
50 grams Fresh Basil Leaves
1/2 cup Olive Oil
5 cloves Garlic
1 tsp. whole pepper corn
2 tbsp. Cashiew nuts
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Kiskisan ng pinaghalong asin at paminta ang buong paligid ng manok. Itabi muna.
2. I-blender ang basil leaves, olive oil, garlic, cashiew nuts at pamintang buo para makagawa ng pesto. Kung may available na na pesto pwede na itong gamitin.
3. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang manok at pesto na ginawa. Isara ang plastic bag at halu-haluin ang manok at pesto sa loob.
4. Ilagay sa fridge at hayaan ng 1 araw o higit pa.
5. Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa init na 300 degrees sa loob ng 45 na minuto o hanggang a pumula at maluto.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy