BAGUIO CITY - After 14 Years: Day 2 & 3

DAY 2 - January 22, 2012 - Sunday

Ito ang second day ng aming short na bakasyon sa tinaguriang summer capital ng Pilipinas ang Baguio City. Masasabing kong ito ang pinaka-highlights ng aming bakasyon. Bakit naman hindi? Buong araw na pamamasyal ang ang ginawa. Hehehehe

Maaga pa lang ay gumising na kami para mag-handa sa araw na yun. 6:00am pa lang ay gising na kaming lahat. Nag-breakfast muna kami sa hotel bago kami pumunta sa sa baguio cathedral para mag-simba.

Konti lang ang choices para sa complimentary breakfast sa hotel. May choice lang na tocino, daing na bangus, corned beef at chorizo. May kasama itong fried rice ar scrambled o sunny side up na itlog. Yun lang siguro ang mapupula ko sa hotel na tinuluyan namin. Bukod sa konti lang ang choices, kokonti din lang ang serving ng mga food nila.

Eksaktong bago mag 8:00 ng umaga ay tumuloy na kami sa Baguio Cathedral para mag-simba. Ayos naman ang dating namin at may naupuan pa kami pagdating namin.

Napakaganda pa rin ng cathedral na ito. Kahit napakarami ang nagsisimba both locals at mga visitors, napaka-holy pa din ng pakiramdam nung nagsisimula na ang misa.

Hindi ko nga napigilan ang maluha dahil napi-feel ko talaga ang pagka-holy ng lugar na yun. Magaling ang choir na kumanta at maayos ang buong misa. Nagkabulungan lang kami ng aking asawang si Jolly ng awitin na ang Ama Namin. Hindi kasi namin maintindihan. Ilocano ata yung ginamit na lenguahe. hehehehe

Pagkatapos naming mag-simba ay tumuloy naman kami sa Philippine Military Academy o PMA. Medyo may kalayuan ito sa city. First time ko lang makapunta dito kahit pang-fouth time ko na sa Baguio.

Swerte naman na na-tyempuhan namin na may parade drill ang mga estudyante ng PMA. Nanood muna kami sandali at saka umikot-ikot sa paligid ng kampo.

Buti na lang at mabait ang driver ng taxi na nasakyan namin. Hinintay na niya kami mula sa PMA at pagkatapos ay inihatid naman niya kami sa Camp John Hay. Sa may upper part na niya kami inihatid. Sa may Bell House.

Unang stop namin doon ay sa Tree Top Adventure. Hindi na kami sumakay sa rides dito dahil may kamahalan ang bayad. Tumuloy na nga lang kami sa Bell House na katabi lang ng lugar na ito.

Nagulat lang ako kasi may entrance fee na ang pag-pasok sa Bell house. Parang hinati-hati na ang buong Camp John Hay. Kasi pansin ko may mga bakod na ang mga ito.

Napaka-ganda pa rin ng Bell House. Nag-ikot-ikot kami sa mismong bahay at tumuloy naman kami sa bell amphitheatre.

Nakakapagod pero sulit naman talaga ang pamamasyal namin dito.

Komo 12:00 noon na noon, naisipan naming sa SM Baguio na lang ulit kami kumain. May kamahalan kasi kung sa loob kami ng kampo mag-lunch. Buti na lang at may nakuha agad kaming taxi at nagpahatid kami sa SM Baguio.

Sa Teriyaki Boy kami nag-lunch. Hindi ko na ma-post ang picture kasi dun sa isang camera ko ito nakuhanan. Bento, noodles, california maki, karaage at iba pa ang aming kinain for lunch.

Hindi na rin kami nagtagal at tumuloy na kami naman sa The Mansion House. Hindi kami agad nakapasok. May VIP ata sa loog ng mansion at pimila pa kami para lang makapag-pa-picture.

Maganda at maayos pa rin ang The Mansion. May yellow ribbon pa ito na halaman. Hehehehe

Kalapit lang ng The Mansion ang Wright park. Ayaw pumayag ng mga bata lalo na ang bunso kong anak na si Anton na hindi sumakay ng kabayo. Ayun kahit 30 minutes lang for P250 ay pinagbigyan na namin.

Next stop ay sa Baguio Botanical Garden. Long walk ito from Wright park. As expected nasa harap ng entrance ang mga igorot na sasama sa iyo for picture taking. Ofcourse may bayad ha. kahit hindi mo sinasabi ay sasama pa rin sila.

Hindi na maganda ang Botanical garden na ito. Pero mainam naman at inaayos na nila. maraming ginagawa sila ngayon dito and I hope sa next visit namin ay ayos na ito.

Next stop namin ay sa Mimes View Park. Nagulat talaga ako dito dahil napakaraming tao. As in wala ka nang malakaran sa dami ng tao at sa dami ng nagtitinda. Anong sinabi ng Divisoria sa dami ng tao dito. Hehehehe. Nakakatakot nga kasi konting dulas mo lang ay baka sa bangin ka na pulutin.

Ayun may nagpapa-rent ng igorot costume at nag-rent na din kami para magpa-picture. Ang cute di ba? hehehe. Ang cute ng bunso kong si Anton di ba? hehehe

Bago kami bumalik ng hotel, dumaan muna kami sa Good Shepperd convent para bumuli sa famous na peanut brittle at ube jam. Nagtagal kami dito dahil kailangan pa naming pumila ng mahaba para lang makabili. 2 bottles lang ng ube jam per person ang allowed. The rest of the product pwede kahit ilan. Bumili na rin ako ng pasalubong para sa aking mga ka-officemate.

From here, nagpahatid na kami sa hotel. Dapat sana sa Family KTV ng hotel na lang kami magdi-dinner pero close pala ito ng Sunday.

Kaya walang choice kundi sa SM Baguio na lang ulit kami kumain. Ang daming tao pa rin nung time na yun. SA KFC na lang kami kumain. Yung bucket meal na lang ang aking in-order at dinagdagan ko na lang ng green salad.

Dahil sa bakod, maaga kaming lahat nakatulog. Baon sa aming panaginip ang magagandang tanawin na aming nasaksihan.

DAY 3 - January 23, 2012 - Monday

Ang last day ng aming bakasyon. Wala nang pamamasyal na nagyari sa araw na ito. Although may mga lugar pa rin kami na hindi napuntahan, inilaan na lang namin ang araw na ito sa pamimili ng mga pasalubong.

Bumalik sa Good Shepperd ang asawa kong si Jolly at ako naman ay pumunta sa Baguio market. Ang sarap mamili dito lalo na ang mga gulay. Sariwang-sariwa talaga at ang mura pa. Kaya naman bumuli din ako kahit papaano. Brocolli, cauliflower, lemon, lettuce, snow peas, baby potatoes at walis ang ilan sa aking mga nabili. Tama na yun, wala na akong pera. hehehehe.

Nag-order na lang kami ng McDonald para sa aming lunch that day. At eksaktong 12:00 ay nag-checkout na kami sa hotel.

Nagkaroon ng kaunting problema ng sumakay na kami ng bus. May kapareho kasi yung seat number ng ticket na nabili ko.

Nang i-check ko ito sa ticket office nila, nagkamali na 12:40am ang nailagay sa ticket sa halip na 12:40pm. Buti na lang at may hindi dumating na pasahero sa oras ng biyahe na yun. Kung hindi sa malamang na mas late na kami makakabalik na Manila.

7 hours pa rin ang naging biyahe namin pabalik. May dalawang stopover sa Pangasinan at Tarlac City.

8:30pm na kami nakarating sa aming bahay sa Cubao. Pagod pero baon pa rin ang ngiti ng magandang karanasan sa aming short na bakasyon.

I hope hindi naman abutin ng antoher 14 years bago makabalik ulit kami ng Baguio. I hope soon...very soon.

Till next.... :)

Comments

punkrocktatay said…
nakakatuwa ang iyong paglalahad ng inyong karanasan sa Baguio. Hindi ka lang magaling magluto kundi pati na rin magkwento. =)
Dennis said…
Hahahaha....thank you aloysius. Gusto ko yung ganito...parang diary na din...hehehe. Also kahit papaano may matututunan din ang mga followers.

Thanks again


Dennis
Unknown said…
Thank you for sharing your experiences in Baguio. I had so much fun reading your blog.
Dennis said…
Thank beach resort philippines....natutuwa naman ako at nagustuhan mo ang paglalahad ko ng aming bakasyon. Although napansin ko na maraming tipo error...hehehehe.

thanks again... :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy