BISTEK with BUTTON MUSHROOM

Isa na namang classic favorite with a twist ang handog ko sa inyong lahat. Ito ay ang paborito kong beef steak o bistek tagalog sa marami.

Pangkaraniwang luto natin ng bistek ay yung nilalagyan lang natin ito ng toyo at katas ng calamansi. Maninipis ang hiwa ng karne ng baka at mas naging katakam-takam kung lalagyan natin ito ng maraming onion rings sa ibabaw.

This time pa-cubes ang hiwa na ginawa ko sa karne at dinagdagan ko ng button mushroom at konting worcestershire sauce na mas lalong nagpasarap sa paborito na nating bistek tagalog.


BISTEK (Beef Steak) with BUTTON MUSHROOM

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into bite size cubes
8 pcs. Calamansi
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 small can Button Mushroom
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
5 cloves minced Garlic
1 pc. Onion sliced
1 pcs. Onion cut into rings
2 tbsp. Canola oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali i-prito sandali ang karne ng baka hanggang sa mawala lang ang pagka-pink nito. Set aside
3. Sa isang heavy bottom na kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay na ang karne ng baka na bahagyang pinirito at timplahan ng toyo at worcestershire sauce.
5. Lagyan din ng mga 2 tasang tubig at takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malambot na ang karne, lagay na ang button mushroom kasama ang sabaw nito. Takpan muli at hayaan ng mga 2 minuto.
7. Huling ilagay ang katas ng calamansi at brown sugar
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hinwang onion rings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Natatakam ako! Paborito ko ang bistek! hehehe...

Ano po yung Worcestershire Sauce? Sorry nabano ako. Hahaha! :)
Dennis said…
Hi Rajsh....Steak sauce yun. Popular na brand dito sa atin yung Lean Perins.. Masarap yun..nakakadagdag ng sarap sa mga karneng niluluto.

Thanks for the visit
actually, ginoogle ko nga po. alam ko pala sya... meron din kami dati sa bahay nun. di lang pala ako pamilyar sa tawag. hehehe! :)

try ko pong lutuin ito one of these days! thanks po ulet!
lucy kim said…
One of my favorite dish, nakakagutom!

Call Center For Campaigns
Dennis said…
Thanks Lucy...me too favorite ko rin ito. Hehehehe


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy