CHICKEN BROCCOLI with BLACK BEAN SAUCE

Lumabas sa pag-aaral na ang gulay na brocolli ang isa sa mga pinaka-masustansyang gulay. Yun lang medyo may kamahalan ang klas ng gulay na ito. Kaya kami sa bahay ay bihira lang din maka-kain nito.

Pero nitong mga nakaraang araw, medyo nagtaka ako kasi ang mura-mura lang nito ngayon. P60 lang ang per kilo kumpara noon na umaabot pa ng P160 to P200 ang kilo.

Kaya naman sinamantala ko na at bumili ako kahit 1 kilo lang. Sa aking pagka-dismaya, halos puro dahon lang ito at tangkay. Kakaunti lang ang pinaka-bulaklak. Madaya kasi. Tinatakpan nung dahon yung pinaka-bulaklak kaya di mo na pansin na konti lang ito.

Kaya ayun, mapapansin nyo siguro sa picture na parang wala halos brocolli na makikita. But anyways, masarap ang chicken dish ko na ito na may brocolli. Nilagyan ko pa ng black beans sauce. Panalo ang lasa nito.


CHICKEN BROCOLLI with BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet cut into bite size pieces
1 kilo Brocolli cut also into bite size pieces
1 pc. Carrot sliced
2 tbsp. Unsalted Black Bean Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. Cornstarch
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
2 tbsp. Cooking oil
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang chicken fillet. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali i-prito sa kaunting mantika ang manok hanggang sa pumula ng kaunti.
3. Ilagay sa gilid ang manok at igisa ang luya, subuyas at bawang. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang carrots, black bean sauce at brown sugar. Hayaan ng ilang sandali
5. Ilagay na ang oyster sauce at mga kalhating tasang tubig. Haluin ng bahagya.
6. Ilagay ang brocolli at takpan hanggang sa maluto ng bahagya ang brocolli.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay ang sesame oil at saka hanguin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Lynn said…
Nakakagutom. Umuulan-ulan pa naman ngayon. Masarap yung mga ganitong pagkain. I also like the plate/bowl on the first picture.

Life Bliss
cHeErFuL said…
nakakatakam naman po, salamat sa pagshare ng recipe! visiting from FTF, see you around.
Dennis said…
Thanks Lynn......Yung bowl correlle brand yun ..sa SM ata nabili ni esmi.

Thanks again for the visit
Dennis said…
@ cheerful....masarap talaga..para ka na ring kumain sa isang chinese resto.

Thanks again
Jessica said…
yay! another delish foods from Brother Dennis, we love broccoli too. Thank you for sharing the recipe too.
visiting from FTF, hope that you can return the visit too.

http://www.jessysadventure.com/2012/01/shrimp-scampi.html
J said…
Kuya korek ka jan ang mahal ng broccoli. Minsan ang binibili na lang namin ay yung mga frozen florets para wala nang tangkay hehehe.

P.S. Ndi mo na ba talaga nakuha yung ard na pinadala ko sa office mo?
That is interesting. Thank's for sharing the recipe. I will give it a try:)

Visiting for FTF! Hope you can stop by:)

http://www.harpsterschronicle.com/pineapple-upside-down-cake/
anne said…
Officially gutom na ako... have tried the beef with broccoli but with chicken... aNyway here's my entry Sahm’s Dining Diary thanks!
Dennis said…
@ wifetoalineman02....Thanks...Gusto ko nga sa broccoli yung steam lang tapos lalagyan lang ng butter and konting salt and pepper...yummy!
Dennis said…
Oo nga J....alam mo yung nabili ko mas mabigat pa yung tangkay at dahon kesa dun sa flower. Kaya nga mas mainam pa yung nasa supermarket na florets na lang.
Dennis said…
Hi Cassandra....Try this. masarap din talaga.
Dennis said…
Hi Anne....Kung masarap yung beef broccoli...masarap din ito sa chicken with black bean sauce. Yummy!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy