CHICKEN SANDWICH

Paborito ko ang chicken sanfwich. Natatandaan ko noong araw kapag may mga birthdays or special na okasyon, gumagawa ng ganito ang aking Tiya Ineng. Masarap siyang gumawa ng ganito.

Gusto ko sa chicken sandwich yung may mga chunk talaga ng manok na mangunguya ka. Hindi tulad nung mga available na chicken spread sa market na wala ka man lang makapa sa iyong bibig pag kinakain.

Kaya naisipan kong gumawa ng ganito nitong nakaraang mga araw. Ayos na ayos kako ito para sa baon ng mga bata. At nakakatuwa naman dahil nagustuhan nila ito.


CHICKEN SANDWICH

Mga Sangkap:
1 whole Chicken Breast
2 cups Lady's Choice Mayonaise
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 small size Onion finely chopped
1 tsp. White Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ng manok tubig na may kaunting asin hanggang sa maluto. Hanguin at palamigin sandali.
2. Himayin ang manok at ilagay sa isang bowl o lalagyan.
3. Ilagay ang sweet pickle relish, mayonaise, chopped onion, white sugar, asin at paminta.
4. Haluing mabuti hanggang sa maghalo na ang lahat ng mga sangkap.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. I-chilled muna sa fridge bago ihain.

Ihain ito kasama ang inyong paboritong sliced bread o pandesal.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Oo nga kuya, pag may birthday ay chicken sandwich lagi. Sarap!

P.S. Nabasa mo po ba yung comment ko sa previous post mo>
Dennis said…
Hi J....Oo..wala pa din yung card sa sinasabi mo...valentines na...hehehehe. Anyway, thank you very much.
i♥pinkc00kies said…
sarap yan, but i dont like mayonnaise kasi.. so what I do is just put the shredded chicken on top of the bread, add a slice of cheese, catsup & mustard.. then toast! haha :D
rm-rx said…
HI!!! GODBLESS U & UR FAMILY!!! i really love ur blog sir, naa-appreciate ko tlg ang bawat recipe kc nga in tagalog language xa,... sana everyday akong makavisit sa page mo sir,to learn more yummy recipes... more power!!!!
Dennis said…
Thanks pinkcookies....masarap din yung sinasabi mo.....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy