DAING NA BANGUS ALA POBRE
Basic na pagkaing Pilipino ang kanin at isda. Mapa-almusal, tanghalian man o hapunan, isda at kanin ang pangkaraniwan nating kinakain. Pangkaraniwang luto ng isda sa atin ang pinirito o kaya naman ay yung may sabaw.
Komo madalas nating nakakain ang mga ganitong luto at klase ng pagkain, nagiging boring na ito sa atin. Kaya nga palaging kong sinasabi ang paglalagay ng twist o i-improve ang luto nito para mas maging maaya-aya sa mata ng kakain.
Katulad ng entry kong ito for today. Simpleng daing na bangus pero dahil sa extra na toasted garlic at patak ng liquid seasoning naging masarap at espesyal ang hamak at pangkaraniwang daing na bangus.
DAING NA BANGUS ala POBRE
Mga Sangkap:
2 pcs. Boneless Daing na Bangus
2 heads Minced Garlic
3 tbsp. Liquid Seasoning
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ang dinaing na bangus. Hayaan muna ng mga ilang minuto.
2. I-prito ang bawang hanggang sa pumula at matusta. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, i-prito ang daing na bangus hanggang sa pumula at maluto. Hanguin sa isang bandehado o lalagyan.
4. Taktakan ang nilutong daing na bangus ng liquid seasoning.
5. Budburan sa ibabaw ng nilutong toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
http://notjustafoodblog.blogspot.com
Call Center For Campaigns