ENSELADANG LABANOS

Nakakain na ba kayo ng enseladang labanos? Matagal na ding hindi ako nakakakain nito. Noong araw gumagawa nito ang aking Inang Lina lalo na kapg pritong isda ang aming ulam. Masarap ito. Lalo na itong ginawa ko na ipinars ko sa pritong galunggong.

Madali lang itong gawin. Walang luto na gagawin. Paghahaluin lang ang mga sangkap at mayroon ka nang enseladang labanos.

Try nyo din. Masarap talaga.


ENSELADANG LABANOS

Mga Sangkap:
1 large Radish o Labanos (hiwain ng pahaba na parang match sticks)
1 cup Vinegar
Onion leaves
salt, pepper and sugar to taste

Paraan ng paggawa:
1. Hiwain ang labanos na parang match sticks.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, asin, paminta at asukal. Haluin. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung naghahalo ang alat, tamis at asim ng mga sangkap.
3. Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa hiniwang labanos.
4. Ibudbod sa ibabaw ang iniwang onion leaves.
5. I-chill sa fridge bago ihain.

Ihain ito kasama ang bagong pritong isda.

Enjoy!!!!

Comments

My Yellow Bells said…
paborito lo itong sawsawan sa kahit anong piritong ulam.
Dennis said…
Tama ka yellow Bells.....isda man o karne na pinirito...winner sa enseladang ito....heheheh


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy