FRIED PORK/PECHAY DUMPLINGS

Last Christmas, nagluto ako ng siu mai para sa aming Noche Buena. Bumili ako nun ng dalawang pack na wonton wrapper dahil marami kami na kakain at gustong-gusto ito ng mga bagets.

Nung umuwi ang mag-iina ko ng December 23 (di ba nasa ospital kami ng pangany kong si Jake?) naiwan nila ang wonton wrapper na nabili ko. Buti na lang at may nabili naman ako sa palengke ng San Jose at natuloy pa din ang aking siu mai.

Nakita ko nitong isang araw ang wonton wrapper na naiwan. kaya naisipan ko naman na magluto ng fried dumplings para naman hindi masayang ang wrapper na ito.

May twist akong ginawa sa fried dumplings na ito. Nilahukan ko ito ng ginayat na pechay (yung natira ko para sa sinaing na tawilis). May nabasa kasi ako na pechay baguio ang nilalagay so bakit hindi naman pechay tagalog?

Masarap naman ang kinalabasan. At kahit nga ang kapitbahay kong si Ate Joy na kakabalik lang mula Ilo-ilo ay nagustuhan ito.


FRIED PORK/PECHAY DUMPLINGS

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Giniling
1 tangkap na Pechay Tagalog (yung green part lang. gayatin ng maliliit)
2 pcs. Eggs beaten
1 large White Onion finely chopped
1/2 cup Flour or Cornstarch
2 tbsp. Sesame oil
1 tbsp. Soy Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
Wonton Wrapper (round shape)
Salt and pepper to taste
cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban lamang sa wonton wrapper at cooking oil. Maaaring mag-steam o mag-prito ng kaunting pinaghalong sangkap para malaman kung tama na ang timpla.
2. Maglagay ng tama lamang na dami ng palaman sa wonton wrapper. Basain ng tubig ang gilid ng wonton wrapper. I-fold at i-press ng tinidor ang side para madikit.
3. I-prito ang mga ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain na may kasamang sweet chili sauce habang mainit pa at crispy.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy