SINAING NA TAWILIS NA BINALOT SA PECHAY

May nabili akong 1/2 kilo na tawilis sa SM Supermatket sa Makati. Paboritong isda ito ng asawa kong si Jolly. Kaya naman basta may nakikita akong isdang ganito sa palengke o supermarket bumibili ako para sa kanya.

Dapat sana ipi-prito ko lang ito pero nung tanungin ko siya kung ano ang gusto niyang luto, gusto daw niya ay sinaing. Nagda-dalawang isip man, yun nga ang ginawa kong luto dito. Ang nasa isip ko kasi, papano ko isasaing yun ay wala naman kaming dahon ng saging na ginagamit na pambalot sa isda bago isaing.

Naisip ko na lang bakit hindi dahon ng pechay ang gamitin ko. At yun nga, isinaing ko ang tawilis gamit ang dahot ng pechay. Masarap naman ang kinalabasan bas na rin sa comment ng bunso kong anak na si Anton. Gustong-gusto niya yung sabaw.


SINAING NA TAWILIS NA BINALOT SA PECHAY

Mga Sangkap:
1/2 kilo medium size Tawilis
10 pcs. Dahon ng Pechay
1 tbsp. Tuyong bunga ng Kamyas
1 thumb size Ginger sliced
1 Onion sliced
5 cloves Minced Garlic
1/2 tsp. Dinikdik na paminta
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1/2 cup Vinegar
Salt to taste

Paraang ng pagluluto:
1. Balutin ang ilang piraso ng tawilis na isda sa dahon ng pechay. Talian
2. Sa isang kaserola, ilagay ang binalot na tawilis at ilagay ang lahat ng natitira pang sangkap.
3. Pakuluan ito ng mga 15 minuto.
4. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Bakit "sinaing" kuya? Kala ko kasi, yung sinaing ay pang-kanin lang.
Dennis said…
Yan ang tawag ng mga Batangeno sa luto na yan. Ewan ko ba? Ako din ang alam ko na sinaing ay sa bigas lang....hehehehe

Thanks J
Unknown said…
may tubig po ba?? ganu po kadami??

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy