ANTON'S FIRST COMMUNION
Last January 27, 2012, ginanap ang first communion ng aking bunsong anak na si Anton. Maaga pa lang ng araw na yun ay excited na ang aking bunso sa napakahalagang araw na yun sa kanyang buhay.
Sa ating mga Katoliko, importante ang sakramentong ito. Pagkatapos ng binyag, kumpil at kumpisal itong sakramento ng eukaristiya ang isa sa pinakamahalaga. Dito kasi ay tinatanggap natin si Hesus sa anyo ng tinapay.
Sa mga Catholic school katulad ng sa aking mga anak, ang first communion ay bahagi ng kanilang programa lalo na kapag ang bata ay nasa ikatlong baitang na o grade 3.
Katulad ng sinabi ng pari sa kanyang sermon nung araw na yun, importante na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa unang beses ng kanilang pagkokumunyon. Importante din na samahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagsisimba sa araw ng Linggo.
Dapat din ay palalahanan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng kung ano ang dapat gawin bago at matapos ang pangungumunyon. Sa pamamagitan nito, nagiging mas makabuluhan ang ating ginagawang pagsamba sa Diyos.
Dapay din nating tandaan na ang Misa o pagsisimba ay isang piging o handaan. Dito inihahain ng Diyos ang kanyang Anak para sa atin. Kaya marapat lang na mag-komunyon tayo kapag tayo ay nagsisimba. Hindi kapag naimbitahan tayo sa isang handaan at hindi tayo kumain ng handa, di ba sumasama ang loob ng naghanda? But ofcourse dapat handa tayo bago tayo tumanggap ng komunyon.
Pagkatapos ng misa syempre tuloy naman sa mesa. At bago yun, picture-picture muna with some of Anton's teacher sa harap ng simbahan.
Pagkatapos ay tumuloy kami sa Shangri-la Plaza Mall sa may Crossing sa Ortigas Center. Maraming pwedeng pagpilian na resto sa 3rd at 4th floor ng mall. At dito sa Green tomato kami napadpad. Hehehehe
Pasta dishes ang specialty ng resto na ito. Ito din kasi ang request ng nag-first communion. Kaya eto ang kinain namin.
For Jolly my wife, itong Chicken parmagiana (tama ba ang spelling o tawag ko dito?) ang in-order niya (pict sa taas). Masarap yung chicken. Ang halaga nito ay P280
Ako naman ay itong Chicken Lasagna with achuchuchu. Hehehehe. Di ko kasi matandaan yung tawag. P300 ang per order nito. Hindi ko siya nagustuhan. Parang may kulang. Medyo matigas o dry din yung pasta.
Ang ang in-order ni Anton. Kids Mac and Cheese. Masarap naman. Yun lang ang konti ng serving. P180 ang per order nito.
Total bill plus the 2 cans of softdrinks, almost P1,000 din. Para sa akin parang hindi sulit yung ibinayad namin sa nakain namin. Ewan ko. Just my opinion.
Kung babalik pa kami sa green tomato? Hindi na siguro. Mahal eh....hehehehe
Till next.

Comments