BEEF SHORT RIBS STEW KOREAN STYLE
Pasensya na kung hindi kagandahan ang pict ng entry kong ito for today. Kulang ata sa ilaw....hehehe. Pero kahit hindi kagandahan ang pict nito, panigurado naman akong bawing-bawi naman sa sarap at lasa ang dish na ito. Sauce pa lang ay ulam na. hehehehe. It's very simple, na kahit baguhan lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong lutuin.
Komo may kamahalan ang karne ng baka, maaari ding samahan ito ng gulay kagaya ng carrots, bok choy, young corn or Baguio beans. Pero kagaya nga ng sinabi ko, sauce pa lang nito ay ulam na. Kaya damihan nyo na lang ang sabaw habang niluluto ninyo ito.
BEEF SHORT RIBS STEW KOREAN STYLE
Mga Sangkap:
1/5 kilo Beef Short Ribs cut into1 inch cube
1 cup Soy Sauce
2 thumb size Ginger sliced
2 pcs. Dried Laurel Leaves
2 pcs. Star Anise
2 pcs. Onion slized
5 cloves Garlic
1 cup Brown Sugar
1 tbsp. Toasted Sesame Seeds
1 tbsp. Sesame oil
2 tbsp. Canola Oil
1 tbsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Leeks or Onion Leaves to garnish
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang karne ng baka, toyo, luya, bawang, sibuyas, dahon ng laurel at star anise. Lagyan din ng tubig, dapat lubog ang lahat na karne.
3. Pakuluan ito sa loob ng 2 o higit pang oras hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang brown sugar at hayaan pang kumulo ng mga 5 minuto.
5. Ilagay na ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat at tamis.
7. Ilagay ang sesame oil bago hanguin sa isang lalagyan.
8. Ibudbod ang sesame seeds at ginayat na onion leaves sa ibabaw bago ihain.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
P.S. Nanibago ako sa itsura ng blog mo. Pero ok naman, very interactive!
Ibinalik ko na lang sa dati. Parang ang hirap i-navigate kung dati ka nang user. Pero aaralin ko pa rin. hehehe