BRAISED PORK LIEMPO with HONEY-SOY GLAZE



Marami din akong pinagkukuhanan ng recipe ideas dito sa net. Ilan na dito ang http://casaveneracion.com ni Connie, http://www.overseaspinoycooking.net, http://panlasangpinoy, yummy.ph at iba.

Kung sa tingin ko ay simple lang, madaling gawin at simple din ang mga sangkap, sinusubukan ko itong gayahin para mai-share ko din sa inyo. Ofcourse may mga palpak din na mga attempt ko. Hehehehe.

Kagaya nitong entry ko for today. Napaka-simple at napaka-daling lutuin. Konti din lang ang mga sangkap pero hindi konti ang sarap at lasa. Dapat lang medyo alisto sa may bandang huling part kung hindi ay baka mangitim ang inyong niluluto.

BRAISED PORK LIEMPO with HONEY-SOY GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (yung manipis lang ang taba...cut into 3 inches long)
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Pure Honey Bee
2 pcs. Star Anise
2 pcs. Dried laurel leaves
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
1 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang pork liempo. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-pan-grilled ang mga liempo hanggang sa pumula lang ng bahagya ang magkabilang side.
3. Gamit ang mantika na lumabas sa pork liempo, igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ibalik sa kawali ang mga liempo at ilagay ang toyo at 1 tasang tubig. Ilagay na din ang dahon ng laurel at star anise. Takpan at hayaang lumambot ang karne.
5. Kung kakauntin na ang sauce saka ilagay ang honey bee. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng liempo.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang sesame oil at saka hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
sauce pa lang, ulam na!
Dennis said…
Sinabi mo J....hehehe. Sa yummy.ph ko nakuha ang recipe niyan. Madali ngang lutuin at talagang masarap.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy