CRISPY LEMON CHICKEN WINGS

Yung mga manok na nabibili natin sa palengke o supermarket, ewan ko, bakit parang walang lasa. Hindi katulad ng mga native na manok na gumagala lang sa ating mga bakuran, malasa ito lalo na pag ating sasabawan.

Siguro dahil na din sa technology kaya nagka-ganun. Imagine, in just 45 days pwede nang ibenta ang manok? Kaya ang kinakain natin ay puno ng chemical. Kaya siguro maramng klaseng sakit ang lumalabas ngayon?

Hindi yan ang gusto kong bigyan ng punto sa entry kong ito for today. Komo nga hindi masyadong malasa ang mga manok ngayon, mainam na matuto tayo kung papaano natin ito mapapasarap. Isa na dito ang tamang pag-marinade sa manok. At ano naman ang pwede nating gamitin? Marami. Isa na dito ang lemon.

Nung huling bakasyon namin sa Baguio, sinamantala ko ang pamimili ng mga gulay na napakamahal dito sa Manila pero murang-mura lang doon. Kagaya nga ng lemon. Sa Baguio, P55 pesos lang ang per kilo. O hindi ba good deal yun. Kaya naman ni-ready ko na ang mga recipes ko na pwedeng paggamitan ng lemon. Ang isa na nga dito ito Crispy Lemon chicken wings.


CRISPY LEMON-CHICKEN WINGS

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Wings
1 pc. Lemon (kuhanin yung katas at zest nito)
1 cup All Purpose Flour
1 cup Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken wings sa katas ng lemon, lemon zest, asin at paminta. Ilagay sa isang plastic bag at ilagay ng overnight sa fridge. Maaring biling-bilingin ang plastic bag from time to time para manuot sa lahat ng parte ng wings ang marinade mix.
2. Mag-pakulo ng mantika sa isang kawali. Dapat mga 2 inches ang lalim ng mantika.
3. Sa isang plastic bag, ilagay ang chicken wings. I-drain muna ito sa paper towel.
4. Ihalo ang harina, cornstarch at maggie magic sarap. Isara ang platic bag at alug-alugin ang wings hanggang sa ma-coat ng harina ang lahat ng wings.
5. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown.
6. Hnguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain kasama nag paborito ninyong catsup o gravy.

Enjoy!!!

Comments

Pandong said…
ayos to Sir Dennis, sayang ngaun ko lang to nabasa kaninang tanghalian manok din ulam kong nabili, bumili na lang ako ng ready made powder breadings, pero dito sa post mo mukang mapipilitan ako magluto nito this sunday para sa magina ko. :)
Dennis said…
Thanks dhong...although gumagamit din ako ng breading mix...yun lang hindi natin alam kung ano-ano ang sangkap na nandun. Not like kung tayo ang magma-marinade at gagawa ng breading mix sure tayo.

Marami pang recipes sa archive check mo na lang kung ano ang gusto mong lutuin.

Thanks again Dhong.... :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy