HAPPY 70th BIRTHDAY TATANG VILLAMOR
Last February 2, 2012, ipinagdiwang ng aking ama na si Tatang Villamor ang kanyang 70th birthday. May kaunting handa rin nung araw na yun. Pero napagkasunduan naming magkakapatid na February 4 gawin ang big celebration. Simpleng araw kasi yung Feb 2 at sa malamang na hindi kami makakapunta komo may pasok ang mga bata. At yun nga February 4 ginawa ang celebration.
According to my sister Shirley, as early as 4:00pm daw ay may mga bisita na. Mga relatives namin sa San Roque sa Pandi. Hindi ko na sila naabutan dahil late na kami nakauwi dahil may make-up class ang dalawa ko pang anak. Bale 8:00pm na din kami nakadating sa Bulacan.
Sa tulong na din ng pamangkin kong si Rochelle, ay naka-copy din ako kahit papaano ng mga pict na kuya niya bago pa mag-simula ang kanina.
Nasa itaas ang birthday cake at ang mga desserts. May fresh fruits na pakwan, melon at saging. At ang mga minatamis na beans at garbansos. May puto din on the side.
Ang cake na ipinagawa ng aking kapatid para sa aming Tatang Villamor.
Ang mga handa na nakuhanan ng pict ay ang mga sumusunod: Sa itaas Lechong kawali,
Mix vegetables with chicken liver, shrimp and quail eggs,
Beef with broccoli,
Pancit Canton na ewan ko bakit hindi pa nakalagay ang toppings....hehehehe
Beef Morcon, (yummy!!!)
May pork embotido din, fried chicken at iba pa. Ito lang kasi ang nakuhanan ng pict ng aking pamangkin.
Naubusan na nga kami ng handa ng kami ay dumating. Dumating daw kasi ang halos lahat ng aming mga kamag-anak both sa father at mother side. Kaya tuloy parang may nagkasalan. Hehehe.
Nag-picture-picture na lang kami after namin kumain. Kokonti na lang ang tao nung mag-pict kami nito.
At natapos ang lahat sa pagbubukas ng gift ng may birthday. Marami din ang nagbigay ng cash na pangkaraniwan naman na ginagawa sa aming probinsya.
Natutuwa naman kaming magkakapatid, si Ate Ann, Shirley at ang aking kapatid na si Kuya Ting na nasa Japan at nairaos namin ang ika-70 kaarawan ng aming Tatang. Masayang-masaya siya at parang walang kapaguran nung gabing yun.
Dalangin ko sa Diyos na sana'y bigyan pa siya ng maraming kaarawan, malusog na pangangatawan at malayo sa anumang sakit at kapahamakan. Sana'y makita pa niya ang apo niya sa kanyang mga apo. Hehehehe.
Till next....

Comments