HONEY-LEMON ROAST CHICKEN
Nakatikim na ba kayo nung bagong chicken ng Kenny Rogers? Yung Honey Roast Chicken. Ako hindi pa din. hehehehe.
Iniisip ko kasi kung papaano ilalagay yung honey sa chicken e madali itong masunog. Well, secret siguro yun ng Kenny. Pero naging challenge ito sa akin nitong lutuin ko ang honey-lemon roast chicken ko na ito.
Idinagdag ko pala ang lemon komo marami pa ako nito sa aming fridge. Remember, yung galing pa ng Baguio? Hehehe
Medyo nasunog ng konti yung finished product kaya itong part na lang na medyo maganda ang kinunan ko ng picture. But I've learned my lesson alam ko na sa susunod kung ano ang dapat kong gawin. Sa procedure sa ibaba, ito na yung adjustment na dapat gawin para hindi masunog o umitim yung balat ng chicken.
HONEY-LEMON ROAST CHICKEN
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken (about 1.3 kg)
2 pcs. Lemon (yung 1 gadgarin ang balat para makuha ang lemon zest at pigain para makuha yung juice)
1/2 cup Pure Honey Bee
1 head minced Garlic
Aluminum foil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang asin at paminta at saka ikiskis sa paligid at loob ng manok.
2. Paghaluin din ang bawang, 1/4 cup na honey bee, lemon zest at katas ng lemon. Ikiskis din sa katawan ng manok.
3. Tusukin ng tinidor ang paligid ng isa pang lemon. Ipasok ito sa katawan ng manok.
4. Ilagay ang manok at natitira pang marinade mix sa isang plastic bag at saka ilagay sa fridge. Hayaan ng overnight.
5. Kung lulutin na, ibalot ng aluminum foil ang manok. Dapat walang nakalabas na part ng manok.
6. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 300 degrees sa loob ng 45 minuto.
7. After 45 or less minutes, alisin sa aluminum foil ang manok at patuloy na lutuin ang manok sa natitirang 15 pang minuto sa init na 200 degrees
8. Pahiran ng natitira pang honey ang katawan ng manok from time to time hanggang sa pumula ang balat ng manok at maluto. Maaribng patayin na ang turbo broiler kung nag-start nang umitim ang balat ng manok. Hanguin agad.
Ihain kasama ang paborito ninyong sauce o gravy.
Enjoy!!!!

Comments
Happy Valentine's Day!
SAlamat saita sa blog kong ito.
Dennis