HOTDOG SALPICAO
Paborito ng mga bata at maging ng matatanda ang hotdog. Mapa-ulam man o palaman sa tinapay, panalo ito sa lahat. Pwede din itong gawing pulutan. Igisa lang sa bawang at sibuyas tapos lagyan ng konting catsup at hot sauce, panalo ito sa mga manginginom. Hehehehe.
Pangkaraniwang luto natin sa hotdog ay syempre ang prito. Sa mga beach party o picnik naman ay iniihaw. Minsan nakakasawa natin ang ganitong luto sa hotdog. Kaya mainam siguro na paminsan minsan ay lagyan natin ng twist para naman maiba.
Kagaya nito entry ko na ito for today. Konting gisa...konting liquid seasoning...may isang masarap ka nang ulam na pwede ding pampulutan. hehehehe. Try nyo ito. Dun sa mga nag-e-email sa aking ng recipe na pang pulutan, pwede ito sa inyo.
HOTDOG SALPICAO
Mga Sangkap:
1/2 kilo Purefoods Tender Juicy Jumbo Hotdogs sliced
4 tbsp. Liquid Seasoning
3 tbsp. Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 tbsp. Butter or Olive oil
1 medium size Onion sliced
Ground Black pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa butter o olive oil hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito ang hiniwang hotdogs hanggang sa maluto.
3. Ihalo na din ang hiniwang sibuyas. Halu-haluin
4. Sunod na ilagay ang toyo, liquid seasoning at paminta.
5. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Kung gusto nyo itong gawing pulutan, taktakan lang ng tabasko o hot sauce at haluin mabuti.

Comments
Thanks for the visit.
Dennis