MANGO SAGO PUDDING
May mga ilang mango and gelatin dessert na din akong na-post sa food blog kong ito. But this time sinamahan ko naman ng maliliit na sago. Dapat sana Mango Sango o yung parang sabaw na walang gulaman ang gagawin ko dito. Kaya lang naisip ko, baka hindi masyadong mag-click sa mga anak ko ang dessert na soup style.
Buti na lang at may nahagilap pa akong 1 sachet na unflavored Mr. Gulaman na yellow color. At eto na nga, nabuo ang mango sago pudding na ito.
Sa totoo lang, masarap ang dessert na ito. Para siyang leche plan na mango flavor. At dahil may kasama na sago, may kakaibang texture ito habang kinakain.
Try nyo ito. Yummy!!!!
MANGO SAGO PUDDING
Mga Sangkap:
3 pcs. Hinog na Mangga
1 sachet Yellow color Unflavored gelatin
1 cup Uncooked Sago (yung maliliit)
1 can Alaska Condensed milk
2 cups Sugar (kayo na ang bahalang mag-adjust sa nais nyong tamis)
1 tbsp. Vanilla
5 cups Water
Paraan ng pagluluto:
1. Kuhanin ang laman ng hinog na mangga at ilagay sa blender. Lagyan ng 1 cup na tubig at i-puree.
2. Sa isang kaserola, ilaga ang sago sa 3 na tasang tubig. hayaang kumulo hanggang sa maluto ang sago.
3. Ilagay ang 2 tasang asukal sa nilulutong sago at hayaan ng mga 3 minuto.
4. Kumuha ng konting minatamis na sago para pang-toppings.
5. Tunawin ang gulaman powder sa isang tasang tubig at ilagay sa minatamis na sago.
6. Ilagay na din ang mango puree at patuloy na haluin.
7. Ilagay na din ang condensed milk at vanilla. patuloy na haluin sa loob ng mga 5 minuto.
8. Tikman kung tama na ang tamis.
9. Hanguin sa mga llanera o hulmahan at palamigin.
10. To assemble, isalin ang isang llanera sa isang plato at lagyan ng mintamis na sago sa ibabaw.
Ihain na malamig o chilled.
Enjoy!!!!
This is my entry for:
Comments
Hopping here from Food Trip Friday, my entry is posted here:
Pan de Amerikana - Marikina
Happy weekends!
http://www.adventurousjessy.com/2012/02/my-first-time-to-cook-chicken-wings.html