PAKSIW NA LECHONG KAWALI
Di ba dumarating sa atin ang pagkakataon na parang may gusto tayong kainin. Parang naglilihi ba. hehehehe. Nito kasing isang araw, parang gusto kong kumain ng paksiw na lechon. Ewan ko ba. Paborito ko kasi ito. Gustong-gusto ko yung asim, alat at tamis ng sauce. At yung lumambot na balat ng lechon na talaga namang it melts in the mouth kapag kinakain mo na.
Ang problema wala namang malapit na mbibilhan ng paksiw na lechon sa lugar namin. Sa Laloma sigurado marami. Pero malayo ang laloma para bumili lang ng konting paksiw. Hehehe
Bakid ako dadayo pa ng Laloma o bumili pa ng luto nang paksiw kung pwede naman akong gumawa at magluto? At yun nga ang ginawa ko. Nag-turbo muna ako ng liempo at saka ko ito ipinaksiw. At sa wakas, napawi din ang paglalaway ko sa paksiw na lechon na ito. Yun lang hindi siya authentic na lechon pero okay na din. hehehehe
PAKSIW NA LECHONG KAWALI
Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Liempo (yung manipis lang ang taba)
1 bottle Mang Tomas Sarsa ng Lechon
3 pcs. Dried Laurel Leaves
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar
1 head Minced Garlic
1 large Onion sliced
Salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwaan ang balat na parte ng liempo. Mga 1/2 inch ang pagitan.
2. Paghaluin ang asi at paminta at saka ikiskis sa paligid at pagitan ng hiwa ng liempo. Hayaan ng mga ilang minuto.
3. Lutuin ang leimpo sa turbo broiler sa init na 250 to 300 degrees hanggang sa pumula at mag-pop ang balat ng liempo.
4. Hanguin muna at palamigin ang nilutong liempo.
5. Kung malamig na, hiwain ito ng pa-cubes sa nais na laki. Ilagay muna sa isang lalagyan.
6. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
7. Ilagay na ang hiniwang liempo at dahon ng laurel. Timplahan ng rin ng asin at paminta.
8. Maaari na ding ilagay ang suka, toyo, brown sugar at mang tomas sarsa ng lechon. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
9. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot na ang dating malutong na balat ng liempo.
10. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa. Pero mas masarap ito kung kinabukasan na kakainin.
Enjoy!!!!
This is my entry for this week:
Comments
Thanks for the visit Iska :)
The Twerp & I
Habang tinatype ko itong reply ko sa iyo ay nanonood ako ng Juniot Master Chef....hehehe
Thanks for the visit.... :)
Dennis
http://www.adventurousjessy.com/2012/02/who-wants-potato-salad-anyone.html