PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM-GARLIC SAUCE
Isa sa mga paborito kong lutuin ang pan-grilled chicken fillet. Ang mainam sa dish na ito, pwede kang mag-lagay ng kung ano mang sauce ang gusto mong ilagay.
Ito ang natutunan ko sa isang fastfood sa isang foodcourt sa Makati. Plain grilled chicken fillet at pagkatapos ay ikaw ang pipili kung anong sauce ang gusto mong ipalagay. Mayroong barbeque sauce, gravy, asian sauce at iba pa. Ofcourse paborito ko ang mushroom sauce nila.
Kaya naman ito ang ginawa kong luto sa 1 kilo na chicken breast fillet na nabili ko. At syempre, ang mushroom sauce ang inilagay ko na sauce. Dinagdagan ko pa ng toasted garlic for extra flavor and viola! Isang masarap na dish ang aking naihanda sa aking pamilya.
PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM-GARLIC SAUCE
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Breast Fillet (skin on)
1 big can Sliced Mushroom
1/2 cup Butter
1 head Minced Garlic
1 cup Evaporated milk or cream
1 pc. Knorr Chicken cubes (dissolved in water)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet o kahit ano mang pamukpok, pitpitin ang chicken fillet hanggang sa nimupis ng bahagya.
2. Timplahan ito ng asin at paminta at hayaan ng ilang sandali.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-pan-grilled ang chicken fillet hanggang sa maluto at pumula ng bahagya ang magkabilang side nito.
4. Sa parehong kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa matusta at pumula ito. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Ilagay ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito. Timplahan ng asin at pamainta.
6. Ilagay na din ang cream at tinunaw na chicken cubes. Halu-haluin. Kung kulang sa lapot, maaring lagyan ng tinunaw na cornstarch.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
To serve, lagyan ng sauce ang bawat piraso ng chicken fillet at budburan na din ng toasted garlic sa ibabaw.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!
Comments