PANCIT CANTON-SOTANGHON GUISADO

Matagal-tagal na ding hindi ako nakakatikim ng pancit guisado. Ewan ko ba? Daig ko pa ang naglilihi nitong mga nakaraang araw. Hehehe

Kaya naman para mawala ang cravings ko sa pancit guisado, pinlano ko talaga na magluto nito nitong nakaraang Sabado para almusal namin. Kaya naman namili talaga ako ng mga pansahog para dito.

Sotanghon noodles ang ginamit ko dito sa halip na ordinaryong bihon. Sinamahan ko din ng canton noodles para makadagdag ng flavor at texture sa panlasa. At hindi naman ako nabigo. Ang pancit guisado na hinahanap-hanap ko ay eksakto sa aking naging panlasa. Winner!!! ika nga...hehehe


PANCIT CANTON-SOTANGHON GUISADO

Mga Sangkap:
1/2 kilo Sotanghon noddles
1/2 kilo Canton or Egg noodles
2 pcs. Chinese sausage sliced
300 grams Chicken Breast Fillet cut into strips
1 medium size Carrot cut into strips
1/2 medium size Repolyo
1 cup chopped Kinchay
1 Knorr Chicken cubes
1/2 cup Soy Sauce
2 pcs. Egg beaten
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion sliced
1 tsp. Sesame Oil
3 tbsp. Cooking oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang scrambled egg sa konting pantika. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Isunod na agad ang hiniwang chicken breast fillet at chinese sauage. Timplahan ng konting asin at paminta. Halu-haluin.
4. Ilagay na din ang carrots, toyo, knorr chicken cubes at mga 3 na tasang tubig. Hayaang kumulo.
5. Tikman ang sabaw kung tama na ang lasa. I-adjust kung kinakailangan
6. Ilagay na ang sotanghon noodles. Haluin. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
7. Sunod na ilagay ang canton ang ginayat na repolyo. Haluing muli.
8. Huling ilagay ang sesame oil bago hanguin.
9. Ilagay ang hinwang kinchay at scrambled egg sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Dennis said…
Me too pinkcookies.....lagyan mo pa ng katas ng calamansi at patis....Wow! Samahan mo na din ng mainit na pandesal or toasted bread...Winner!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy