SLICED PORK and SNOW PEAS STIR FRY

The last time na mang-galing kami ng Baguio, talaga namang nag-fiesta ang mga mata ko sa mga sariwang gulay nag ako ay pumunta sa kanilang palengke. Bukod sa sariwa talaga ang mga gulay dito, napakamura pa ng kanilang presyo. Kaya naman isang bayong talaga na gulay ang inuwi ko ng Manila ng kami au umuwi. hehehehe

Isa na dito ang snow peas na ito o chicharo sa marami ang aking nabili. Maniwala kayo sa hindi, itong niluto ko na ito (I think mga 1/2 kilo ito) ay nagkakahalaga lang ng P20. Oo bente pesos lang ang bili ko. At talagang sariwa at malulutong pa ha. Kaya naman isang luto lang ang nasa isip ko nung binili ko ang snow peas na ito. Stir Fry.

At gamit nga ang nabili kong 1/2 kilo na bacon sliced pork ito ang kinalabasan ng aking stir fry pork and vegetables dish. Yummy!!!!


SLICED PORK and SNOW PEAS STIR FRY

Mga Sangkap:
1/2 kilo Bacon cut sliced Pork
1/2 kilo Snow Peas o Chicharo
1 large Red Bell pepper sliced
5 cloves minced Garlic
1 Onion sliced
2 tbsp. Soy Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang sliced pork sa sarili niyang mantika hanggang sa pumula ng konti at maglabas na ito ng mantika.
2. Igisa ang bawang at sibuyas. halu-haluin.
3. Isunod na agad ang snow peas o chicharo at red bell pepper.
4. Lagyan ng toyo at konting tubig. Timplahan na din ng konting asin at paminta. Takpan at hayaan ng mga ilang sandali.
5. Ilagay na ang oyster sauce, brown sugar at tinunaw na cornstarch. Halu-haluin
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Hanguin agad at ihain habang mainit. Huwag i-overcooked ang gulay

Enjoy!!!!

Comments

Pandong said…
wow! ganun lang price nun sir Dennis? samantalang dito sa amin para meron ginto yan sa mahal ng presyo.. mukang mamapalaban na naman ako ng pagluluto nito this weekend for my family.. salamat po dito.

by the way sir Dennis try namin magluto ng siomai recipe nyo kasi naglalaway na kami ni misis sa siomai.. hahaha marami pong salamat
Dennis said…
Thanks BadDhong.....Sa siomai, masarap kung maraming hipon. Also, mainam din na may konting taba yung pork giniling mo. Tips lang....hehehe
J said…
Wow kuya! Ang mura pala ng gulay sa Baguio! Yung pamasahe nga lang ang nakapag-pamahal hehehe
Dennis said…
Hahahaha...tama ka J.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy