STRAWBERRY GELATIN with CHOCOLATE SYRUP
Yung strawberries na ginamit ko dito ay yung nabili ko pa galing Baguio. Medyo late ko na nga ito na-post komo hindi nga kagandahan ang pict. Pero for sure masarap ang dessert na ito.
STRAWBERRY GELATIN with CHOCOLATE SYRUP
Mga Sangkap:
3 cup fresh Strawberries
1 sachet Unflavored Mr. Gulaman (White color)
2 cups Sugar
2 cups Evaporated Milk
2 cups all Purpose Cream
1 tbsp. Vanilla
Chocolate Syrup
Paraan ng pagluluto:
1. I-blender ang fresh strawberries at 2 cups Evaporated milk.
2. Sa isang kaserola, magpakulo ng 3 tasang tubig.
3. Samantala, tunawin ang Mr. gulaman sa 1 tasang tubig.
4. Isalin ang tinunaw na gulaman sa kumukulong tubig.
5. Ilagay na din ang strawberry-milk micture at halu-haluin.
6. Ilagay na din ang asukal, vanilla at all purpose cream. Patuloy na haluin hanggang sa mawala ang buo-buong parte ng gulaman.
7. Tikman ang tamis at i-adjust ang lasa.
8. Isalin sa mga llanera o hulmahan at palamigin hanggang sa mabuo.
9. Palamigin sa fridge bago ihain.
10. Isalin sa isang lalagyan at lagyan ng chocolate syrup sa ibabaw.
Enjoy!!!
Comments