BRAISED CHICKEN in HONEY-PINEAPPLE SAUCE
Ang pagbe-braise ay isang pamamaraan ng pagluluto kung saan ang karne ay pinipirito lang ng bahagya ang magkabilang side at saka niluluto sa kaunting sauce o sabaw sa mahinag apoy hanggang sa maluto ng husto. Madalas ay ginagawa ito sa mga karne na matagal palambutin kagaya ng karne ng baka.
Madalas ko ding gawing ang pagbe-braise kahit sa pork o chicken. Madali kasi itong gawin at simple lang ang mga sangkap. Ang pinaka-key lang talaga dito ay yung flavor na ilalagay mo sa pagbe-braise. Pwede kang gumamit ng mga herbs and spices o kaya naman ay fruits. Pwede din ang alaj kagaya ng red wine o kahit na beer.
Sa entry ko na ito for today ay yung pineapple juice ang ginamit ko at sinamahan ko na din ng pineapple tidbits. Mas mainam na ibabad ng overnight ang manok sa pineapple juice bago ito i-braise kinabukasan. Sa pamamagitan nito, mas nanunuot ang flavor ng pineapple sa loob at labas ng manok.
Para din itong pininyahang manok. Yun lang, nilagyan ko pa ito ng pure honey bee to add flavor sa halip na brown sugar.
BRAISED CHICKEN in HONEY-PINEAPPLE SAUCE
Mga Sangkap:
5 pcs. Chicken legs cut into 2
1 small can Pineapple tidbits (reserve a few for garnish)
1 small can Pineapple Juice (sweetened)
1/2 cup Pure Honey Bee
1/2 cup Soy sauce
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ng overnight ang manok sa pineapple juice, asin at paminta.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown o i-prito ang manok sa butter hanggang sa pumula lang ng bahagya.
3. Sa parehong kawali, ilagay ang marinade mix, bawang, sibuyas, toyo, at kalhati ng pineapple tidbits. Takpan at hayaang maluto sa mahinang apoy.
4. Kung kakaunti na ang sauce, ilagay ang honey bee at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng honey o brown sugar.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang pineapple tidbits.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments