BUFFALO CHICKEN FILLET
Mahilig ba kayo sa Buffalo Chicken Wings? Ito ang para sa inyo. Yun ang naisip kong gawing luto sa chicken thigh fillet na nabili nung last na groceries namin. (Remember? Di kami nawawalan ng chicken breast or thigh fillet? hehehe)
Pwedeng-pwede itong pang-ulam o kaya naman ay pang-pulutan. O ayan, yung m,ga nanghihingi sa akin ng recipe na pwedeng pam-pulutan, eto na ang hinihintay nyo. hehehehe.
Actually, madali lang itong lutuin. Nag-prito ka lang ng manok at nilagyan mo ng spicy sauce. Pag yung chicken lang kasi ang kakainin mo, wala siyang lasa. As in matabang. Pero pag nilagyan mo na ng spicy sauce na ito, ayun sasarap na at magkakalasa.
Hindi ako masyadong nagluluto ng mga dish na medyo spicy. Hindi kasi nakakain ito ng mga bata. Kung mild lang ay okay.
BUFFALO CHICKEN FILLET
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet
1 cup All Purpose Flour
1 cup Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
cooking for frying
For the sauce:
1/2 cup Butter
1 tbsp. Chili Garlic Sauce
1 cup Tomato Catsup
2 tbsp. Brown Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang mga chicken fillet. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang plastic bag pagsamahin ang harina, cornstarch and maggi magic sarap.
3. Ilagay dito ang chicken fillet at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat ng manok.
4. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
5. For the sauce: Alisin ang mantika sa kawali at ilagay ang butter.
6. Ilagay ang chili-garlic sauce, tomato catsup at brown sugar. Halu-haluin.
7. Tikman ang sauce kung tama na ang alat, tamis at anghang.
8. Ilagay sa sauce ang mga piniritong chicken fillet at haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments