CHOCO-LYCHEE GELATIN
Nakuha ko ang recipe ng dessert na ito sa isa pang food blog na binibisita ko ang www.pinoyrecipe.net.
Dapat sana nung 2011 Noche Buena namin sa Batangas ko ito gagawin. Kaso di ba nga na-dengue at na-ospital ang panganay kong si Jake?
I think month of February this year nung subukan kong gawin ito dessert na ito. Nakakahiya mang sabihin hindi naging succesful ang aking unang attempt. Mali kasi yung nabili kong choco gelatin. For pudding ang ang aking nabili at hindi nabuo ng ayos ang choco flavor. Ang nangyari, buo yung white part na gelatin at parang chocolate syrup naman yung choco flavor. Although masarap naman at nakain naman namin yung finish product pero huindi yun ang gusto kong kalabasan.
Until last week na ginawa ko ulit itong dessert na ito for the second time. At sa pagkakataong ito ay nagtagumpay na ako. Buo ang dalawang layer ng gelatin at masarap ang kinalabasan. I think the lesson lang na natutunan ko dito ay yung paggamit sa tamang sangkap at pagsunod sa tamang measurement.
CHOCO-LYCHEES GELATIN
Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman Lychee Flavor gelatin powder
1 sachet Mr. Gulaman Unflavor gelatin powder
200 grams Chocolate bar
1 smal can Condensed Milk
Additional Sugar to taste
Chocolate Syrup
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola magpakulo ng apat na tasang tubig.
2. Samantala, tunawin ang Mr. Gulaman Lychee flavor sa 1 tasang tubig.
3. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay na ang tinunaw na gulaman at halu-haluin.
4. Ilagay na din ang condensed milk at asukal ayon sa nais ninyong tamis. Patuloy na haluin sa mahinang apoy.
5. Ilagay ang nilutong gulaman sa mga hulmahan na square o kung ano mang hugis ang nais. Take note na ito ang unang layer ng gulaman kaya hindi dapat punuin ang hulmahan.
6. Palamigin ang unang layer.
7. Samantala, magpakulo muli ng anim na tasa ng tubig sa kaserola.
8. Kapag kumukulo na, ilagay ang dinurog na chocolate bar. Halu-haluin para hindi manikit sa bottom ng kaserola anag chocolate.
9. Tunawin ang isa pang Mr. Gulaman powder sa isang tasang tubig at ilagay sa pinakuluang chocolate. Patuloy na haluin.
10. Timplahan ng asukal ayon sa tamis na nais.
11. Ilagay ang nilutong chocolate gulaman sa medyo matigas ng white layer na nauna nang niluto. Make sure na kaya na ng white na gelatin ang ilalagay na chocolate gelatin para hindi lumubog o maghalo ang white at ang chocolate.
12. Palamigin hanggang sa mabuo. I-chill muna sa fridge bago ihain.
13. Kung ihahain na, maghiwa ng mga 1 inch na kapal at ilagay sa isang platito.
14. Lagyan ng chocolate syrup sa ibabaw at saka ihain.
Enjoy!!!!
This is my entry for
Comments
Ako rin ay madalas mapahamak pag nagsa-substitute ng ingredients. Pumapalpak heheh
YUmmy ito...di masyadong matamis.
http://www.homecookingwithjessy.com/chicken-soup-with-vegetables/