CRISPY PORK BINAGOONGAN

Sino ang hindi gaganahang kumain sa crispy pork binagoongan na ito? Hehehehe. Ewan ko na lang. Although, may mga taong may alergy sa bagoong pwede mo naman huwag isama yung bagoong sauce at yung crispy liempo, manga at talong na lang ang kaninin mo. Hehehe.

Nakuha ko ang idea sa lutong ito sa isang restaurant dito sa Makati na nabasa ko naman sa isang discount voucher site. Alam nyo yun? Yung nago-offer ng gift check na 50% off? Ang ganda kasi nung picture dun sa site at talaga namang katakam-takam. Mapapabili ka talag ng offer nila dahil bukod sa 50% na discount ay nakaka-inganyo talaga ng mga picture.

Ang pagkakaiba lang ng version na ito ng binagoongan sa alam nating luto ay yung paghiwa-hiwalay ng mga sangkap at yung pag-prito sa pork at talong. But still nga, bingoongan pa rin ito. Try nyo.... Mapapalakas panigurado ko ang kanin ninyo. hehehe


CRISPY PORK BINAGOONGAN

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Liempo (piliin yung medyo manipis lang ang layer ng taba)
3 pcs. Talong sliced
1 pcs. Manggang Hilaw (cut into strips)
Salt and pepper to taste
For the Sauce:
1/2 cup Bagoong Alamang (sweet or spicy flavor)
1 cup Kakang Gata
3 cloves minced Garlic
1 small size Onion sliced
2 tbsp. Butter

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang pork liempo nang mga 1/2 inch ang kapal.
2. Ibabad sa tubig na may asin at paminta ang pork liempo ng overnight.
3. Lutuin ito sa turbo boiler sa init na 300 degrees hanggang sa pumula at maluto. Palamigin sandali
4. I-prito ang talong hanggang sa maluto.
5. For the sauce: Igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
6. Ilagay ang bagoong alamang at hayaang kumulo sandali.
7. Isunod na agad ang gata ng niyog. Hayaang kumulo ng ilang sandali.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.

To assemble, ihilera sa gilid ng bandehado ang mga talong na pinirito. Ilagay sa gitna ang hiniwang mga lechong kawali. Lagyan sa ibabaw ang liempo ng ginawang bagoong sauce. Ilagay di sa ibabaw o sa gilid ang hiniwang manggang hilaw.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

anne said…
with the word binagoongan pa lang, eh nag lalaway na ako :) visiting from FTF mine is here Sahm’s Dining Diary thanks!
Dennis said…
Sinabi mo Anne.....tapos may talong pa at manggang hilaw.....winner!!!! hehehe
Unknown said…
Ang Sarap Naman .. Paano Kaya Kung Gumawa Kame Nyan . Hehehe ...
Tnx ! Ang Sarap Ng Kaen Ko . ! :) Tiyak Mapapalaway Kayo Jan . ')

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy