GINATAANG MANOK, KALABASA at MALUNGAY

Gustong-gusto ko ang mga lutuing may gata. Hindi naman ako Bicolano pero nasasarapan talaga ako sa lasa nito kagaya sa mga ulam katulad ng Chicken curry, adobo sa gata o kahit na ginataang gulay lang. Napapasarap kasi ng gata ang lasa ng kahit anong ulam. Lagyan mo pa ng konting anghang, sigurado akong mapapadami ang kain mo at ubos panigurado ang inyong kanin. hehehe

Nitong nakaraang araw, as usual nagmamadali na naman akong maka-prepare ng aming dinner. Kapag ganitong nagmamadali ako, tatlo lang ang pwedeng gawin. Bumili ng luto, magluto o magbukas ng de lata, o kaya naman ay manok ang lutuin. Yung huli ang aking ginawa. Bumili ako ng manok sa palengkeng aking nadaraanan mula sa opisina. Bago pa lang ay alam ko na ang aking lulutuin. May kalabasa pa kasi ako sa fridge na dapat sana ay gagawin kong okoy at malunggay na binili pa ng asawa kong si Jolly sa talipapa malapit sa amin. At yun nga, ginataang manok na may kalabasa at malunggay ang kinalabasan. Masarap, malasa at madaling lutuin. Try it!


GINATAANG MANOK, KALABASA at MALUNGAY

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs cut into serving pieces
300 grams Kalabasa cut into cubes
1 taling Malungay
2 cups Kakang Gata ng Niyog
2 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large Onion slices
2 tbsp. Canola oil
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste

Paraan ng paluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang manok, timplahan ng asin at paminta at takpan. Hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng 1 tasang tubig at hayaang maluto ang manok.
4. Ilagay na kalabasa at gata ng niyog. Takpan muli hanggang sa maluto ang kalabasa.
5. Timplahan ng Maggie Magic Sarap. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang dahon ng malungay bago hanguin o patayin ang apoy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Masarap talaga ang gata, kuya! Nilalagay namin yan kahit sa dinuguan (bicolano kasi papa ko hehe).

Yes, matagal po ako nawala kasi almost a month din po ako nagbakasyon. But now I am back! :-)
Dennis said…
Buti ka pa J pabaka-bakasyon na lang....hehehe. Saan ka naman nag-bakasyon?
Anonymous said…
wow baka masarap nga heheheheheheheheeheheheh
Dennis said…
Try mo din...masarap at masustansya pa.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy