INIHAW NA TILAPIA with a TWIST
Pasensya na kung hindi kagandahan ang kuha ng pict na entry ko for today. Nang maalala ko kasi na kuhanan ay nilalantakan na ito ng aking mga anak. Buti na lang at may natira pa kahit papaano. Hehehehe.
Alam kong pangkaraniwan na luto na ginagawa sa tilapia ang pag-ihaw. Lalo na kung sariwa o buhay pa ang tilapia, inihaw ang the best na gawing luto dito. Lalagyan mo lang ng kaunting asin, kamatis at sibuyas sa pinaka-tiyan nito ay tiyak na napakasarap na ulam ang inyong kakainin.
Pero mainam di pala na mag-eksperimento tayo ng mga ipalalaman sa mga inihaw na kagaya nito. Kagaya nung inihaw na bangus ko na nilagyan ko pa ng itlog na maalat. Dun ko naisip na gawin din yun sa tilapia na ito na ulam namin nitong nakaraang araw.
Sa halip na itlog na maalat, ginisang bagoong naman ang inilagay ko. Naisip ko lang na di ba masarap yung pinaghalong kamatis, sibuyas at bagoong alamang? At tama nga, masarap at naging kakaiba ang inihaw na tilapia kong ito.
INIHAW NA TILAPIA with A TWIST
Mga Sangkap:
5 pcs. medium size Tilapia (alisin yung palikpik at kaliskis)
5 pcs. medium size Kamatis sliced
1 large size White Onion sliced
2 tbsp. Bagoong Alamang (spicy or sweet)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
1 tsp. Sesame oil
Olive oil or ordinary cooking oil
Aluminum foil
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang loob ng tilapia hanggang sa maalis ang madudulas na lamang loob nito. Asinan ito ng konti. Set a side.
2. Sa isang bowl paghaluin ang ginayat na kamatis, sibuyas, bagoong alamang, asin, paminta, maggie magic sarap at sesame oil.
3. Palamanan ng pinaghalong sangkap ang bawat tilapia.
4. Lagyan ng kaunting olive oil ang foil na pagbabalutan ng tilapia. (para hindi dumikit yung skin sa foil)
5. Balutin ito ng foil at i-ihaw sa live na baga o sa kawali hanggang sa maluto.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawan na toyo, calamansi at sili.
Enjoy!!!!
Comments
Congrats nga pala Gio ha....big time ka na talaga...hehehe. Pa-share naman kung papaano ko pa mapaparami ang traffic d2 sa blog ko. hehehe
Thanks
Dennis
Yung red o mala-purple na onion ay mas strong ang flavor. Ok na ok yun sa mga stew or soup. Yung white naman mild lang ang lasa. Kung baga hindi masyadong mapakla sa dila. Ok ito sa mga stir fry or as raw kainin.