LINGUINE PASTA with CHICKEN and CREAM SAUCE


Paborito ng mga anak ko ang pasta. kahit anong klase ng pasta. Yun lang nagkaka-iba-iba sila sa sauce na inilalagay dito. Ang panganay kong anak na si Jake yung pesto ang gusto. Ang pangalawa kong anak na si James naman ay red sauce. Samantalang ang bunso ko naman na si Anton ay white ang gusto. But ofcourse kung ano naman ang nasa hapag ay okay lang sa kanila. Kaya naman pinipilit ko na kahit once a week ay makapagluto ako ng pasta dish para sa kanila.

Kagaya nitong breakfast namin nitong nakaraang Sabado, komo nga lagi akong may chicken fillet sa fridge, chicken and cream ang inilagay kong sauce sa linguine pasta na niluto ko. Para din lang siyang carbonara or pasta with white sauce. Yummy ito. Kaya nga tuwang-tuwa na naman ang bunso ko at ipinakita pa ang tiyan niya sa dami ng nakain. Hehehehe


LINGUINE PASTA with CHICKEN and CREAM SAUCE

Mga Sangkap:
5oo grams Linguine Pasta (cooked according to package direction)
300 grams Chicken Breast or Thigh fillet skin on (cut into small pieces)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 small can Alaska Evap (red label)
1/2 cup Butter
1/2 tsp. Dried Basil
1 cup grated Cheese
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction. Tip lang, it the last 3 minutes of the cooking time, alisin na sa apoy ang nilulutong pasta at hayaan lang hanggang sa umalsa ang noodles. Huwag huhugasan para ma-retain yung starch na magpapalapot sa sauce.
2. Timplahan ng asin at paminta ang chicken fillet. Hayaan ng ilang sandali.
3. Sa isang kawali, i-prito ng bahagya ang chicken fillet sa butter.
4. Itabi lang ang chicken at igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.
5. Ilagay na ang all purpose cream, alaska evap, dried basil at half nung grated cheese.
6. Timplahan na din ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa
7. I-drain ang pasta at saka ilagay sa nilutong sauce.
8. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

Ihain habang mainit pa na may grated cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarap mo naman maging tatay, kuya! Paampon nga! heheh.
i♥pinkc00kies said…
my sister's gonna like this coz she wants white/ cream sauce.. :) i prefer oil or tomato based e.
Dennis said…
hahahaha...Thanks J. Sige ba amapunin na kita. malakas ka bang kumain? hehehe
Dennis said…
Thanks pinkcookies.....ako basta ma-cheese ok lang....white, red or green winner pa din. hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy