MAC and CHEESE with TOASTED GARLIC BITS

Mahal na mahal ko ang aking mga anak na sina Jake, James at Anton. Kaya naman kung may hinihiling sila at kaya ko naman ibigay ay ibinibigay ko. Ofcourse, not to the point na nai-spoiled na sila. Ang gawi ko kasi basta may ginawa silang good deeds nire-reward-an ko sila.

Lalo na kung pagkain lang ang hinihiling nila sa akin. Kung sa house madali lang. Ang mahirap kapag sa labas kami kumakain. Iba-iba ang gusto nila. Hahahaha. Ang nagyayari, kung sino ang majority ay yun ang nasusunod.

At eto na nga, humiling ang bunso kong anak na si Anton ng gusto daw niya ng mac and cheese for breakfast. Naalala kasi niya yung mac and cheese nung kumain kami sa labas after ng kanyang first communion. Kaya ayun, pinagbigyan ko naman ang bata. Tutal naman kako ay mahirap pakainin ang isang ito. hehehe


MAC AND CHEESE with TOASTED GARLIC BITS

Mga Sangkap:
500 grams Elbow macaroni pasta (cooked according to package direction)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 small can Alaska Evap (red label)
2 cups Grated Cheese
2 heads Minced Garlic
1/2 cup Butter
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang elbow macaroni according to package direction.
2. Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa pumula at ma-toast. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali ilagay na ang alaska evap, cream at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Halu-haluin.
4. Huling ilagay ang grated cheese. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5. Ilagay na ang nilutong macaroni at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
6. To serve, lagyan ng grated cheese at toasted garlic bits sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa na may kasamang toasted bread or pandesal.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Anong klaseng cheese kuya? Cheddar lang meron ako ngayon eh. Bumili nga pala ako ng 12 pcs Magic Sarap nung nasa Pinas ako hehehe.
Dennis said…
Kahit anong klase ng cheese ay okay J. Okay naman ang cheddar.

Ang galing ng magic sarap ano? hehehe. Parang may magic nga...hahahaha
Anonymous said…
ano po ibig sabihin ng 1 tetra brick All Purpose Cream? gusto ko sana i-try! thanks!
Dennis said…
@ Cecil... Yung 1 box na parang juice. 220 ml ba yun?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy