PINAKBET OVERLOAD
Nabanggit ko sa previous post ko ang kahirapan sa pagpapakain ng gulay sa mga bagets nating mga anak. Kaya naman ang ginagawa ko na lang ay ang ihalo ito sa karne o isda para kahit papaano ay makakain din sila kahit konti.
Kagaya nitong pinakbet na niluto ko nitong isang araw, sa halip na bagoong lang ang aking inilahok na pampalasa, nilagyan ko pa ito ng hipon at lechong kawali na mga natira sa mga dati naming ulam. (Yun ay kung may matitira pa ha...hehehe). Ang kinalabasan, pinakbet overload. Bakit naman? e parang mas marami pa yung sahog na hipon at lechon kawali kesa sa gulay. hehehehe. Pero wag ka, masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang pinakbet na ito. Yun lang, natira talaga ang ampalaya sa kanilang mga plato. hehehehe
PINAKBET OVERLOAD
Mga Sangkap:
250 grams Lechon Kawali cut into cubes
250 grams Hipon
2 tbsp. Bagoong Alamang
Kalabasa
Sitaw
Talong
Okra
Amplaya
Kangkong
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 pcs. Tomatoes sliced
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Canola Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika. Halu-haluin.
2. Sunod na ilagay ang hipon at lechong kawali. Lagyan ng 1 tasang tubig at takpan hanggang sa kumulo.
3. Sa gulay, unang ilagay ang sitaw at Okra. Takpan muli. Sunod na ilagay ang talong, amplaya, at kalabasa. Takpa muli.
4. Huling ilagay ang brown sugar, kangkong at ang bagoong alamang. Takpan muli at hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
5. Timplahan ng asin at paminta. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Note: Walang nakalagay sa dami ng mga gulay. Kayo na ang bahala. Thanks
This is my entry for:

Comments
Nag-visit na ako sa blog mo ha...:)
Dennis