PORK BURGER with MUSHROOM SAUCE


I love burgers. Kahit sa sandwich o pang-ulam man, panalo para sa akin ang pagkaing ito. Maging ang bunso kong anak na si Anton, isang cheese burger lang para sa kanya ay isang meal na.

Yun lang kung yung ready to cook na burger patties na available sa mga supermarket ang gagamitin mo, parang bitin at medyo may kanipisan ang laki nito. Alam nyo yun? Yung ulam burger? Hehehehe

Kaya para sa akin, mas mainam pa na gumawa ka na lang ng sarili mong recipe na naayon pa sa iyong panlasa at nais na laki ng patties. Sure ka pa na malinis ito talaga at alam mo kung ang ang mga nakahalo dito.

Try nyo ito. Masarap, juicy at talaga namang busog ka sa sarap. Hehehe


PORK BURGER with MUSHROOM SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Ground Pork (mainam yung may taba ng konti)
3 tbsp. Worcestershire sauce
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 large White Onion chopped
5 cloves Minced Garlic
1 tsp. Ground Black Pepper
2 pcs. Egg beaten
2 tbsp. Soy Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
1 cup Cornstarch
1 tsp. Brown Sugar
Salt to taste
For the Sauce:
1 small can Sliced Mushroom
1/2 cup Butter
2 tbsp. Flour
SAlt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghalu-haluin lang ang lahat ng sangkap para sa burger. Hayaan muna ng mga 30 minuto bago lutuin para kumapit muna ang lahat ng flavor sa giniling na baboy.
2. Gumawa ng burger patties na naayon sa nais na laki. Gumawa ng ga-suntok na bola ng pinaghalong sangkap at saka i-press sa gitna.
3. I-prito ito sa non-stick na kawali sa mahinang apoy hanggang sa maluto ang magkabilang side.
4. For the sauce: Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
5. Sunod na ilagay ang harina at patuloy na haluin.
6. Ilagay na ang sliced mushroom kasama ng sabaw nito. Patuloy na haluin. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan hanggang sa ma-attain ang tamang lapot ng sauce.
7. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa

Ihain ang pork burger na may mushroom sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
nagcrave ako bigla ng burger!!!
J said…
Gusto ko yan kuya! Especially the mushroom sauce!
Dennis said…
Thanks pinkcookies....pwede din yan sa bread. Para ka na rin kumain ng quater pounder na hamburger....hehehe
Dennis said…
Thanks J....matagal ka atang nawala? kamusta? Tama ka...masarap talaga yang mushroom sauce na yan....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy