PORK CALDERETA with FRESH ORANGE JUICE
Na-try nyo na ba na mag-luto ng caldereta na may orange juice? Well eto na. Hehehe. Nadinig ko lang ito sa aking kaibigan na si Alfred. Nung minsang nagkatanungan kung ano ang ulam that particular day. Sabi nga niya pork caldereta nga daw na nilagyan niya ng fresh orange juice. At in-assure niya na masarap daw talaga.
Si ako naman ay na-curious kung ano nga ang kakalabasan ng caldereta na nilagyan ng orange juice? Basta ang natatandaan ko lang sa sinabi ni Alfred ay nilagyan nga niya ng orange juice, tomato sauce at liver spread. At yun nga ang ginawa ko, and to my surprise, masarap nga ang kinalabasan. Lasa mo yung asim at tamis ng orange at nagkaroon talaga ng kakaibang lasa ang nakasanayan na nating masarap na caldereta.
PORK CALDERETA with FRESH ORANGE JUICE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes or serving pieces)
2 pcs. Fresh Orange (get the juice and 1 tsp. orange zest)
1 small can Reno Liver spread
1 tetra pack Tomato Sauce
1 tsp. Chili-Garlic Sauce (depende kung gaano kaanghang ang gusto nyo)
2 pcs. Potato cut into cubes
1 large Carrot cut into cubes
1 large Red or Green Bell Pepper cut alsi into cubes
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes Sliced
1 large Onion Sliced
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 tbsp. Sweet Pickle Relish
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali o kaserola, i-brown ang karne sa butter.
3. Itabi lang ng konti ang mga karne sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4. Timplahan ng orange juice, orange zest, worcestershire sauce, sweet pickle relish, chili-garlic sauce at 1 tasang tubig at takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Ilagay ang patatas, carrots, red bell pepper at tomato sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
6. Huling ilagay ang liver spread para lumapot ang sauce.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments
May bago ngang pinapa-try yung friend ko. Lagyan ko naman daw ng fresh apples. Palagay ko pwede din. Lalo na sa mga stew.
Abangan mo J. :)