A DAY @ AMANA WATER PARK 2012

Last Sunday April 15, 2012, nagkayayaan ang aking mga pamangkin at pinsan na mag-swimming sa AMANA Water park sa Pandi, Bulacan. Nagkayayaang dito pumunta komo kabi-kabila ang promotion nito sa TV at maganda nga daw talaga.

Ang AMANA Water park ay isang resort dito sa Bualcan na may theme na mga Cartoon Charcter. Sa pagpasok mo pa lang sa entrance ng resort ay makikita mo na ang malaking rebulto ni Sandman na huli-huli ng spider web ni Spiderman. Hehehe.

Ang pinaka-highlight ng resort na ito ay ang kanilang ipinagmamalaking wave poll na tinatawag nilang Diamond Wave na may taas na 9 feet. May mga kiddie pool din na may mga theme din kagaya nang: Avatar pool, Madagascar pool, Dragon ball Z pool, at Kung Fu Panda Pool. Sa mga cottages naman, lugar sa Pilipinas ang groupings at tawag nila. Mayroong Boracay, Palawan, Davao, etc. Sa Subic kami nakakuha ng pwesto.

Maaga pa lang (as early as 4:30) ay ginising ko na ang aking mga anak komo plano nga namin na maagang pumunta sa resort. Mga 7am na kami nakadating ng Bulacan...nag-breakfast muna....at mga 8:30am ay naka-alis na kami papunta ng resort.

To our surpirse, napakarami nang tao at nahirapan talaga kaming pumila at makabili ng entrance ticket. Ang Cottage nga na nabili namin ay yung sa may bandang dulo na ng resort. Kaya naman pagkalapag namin ng aming mga dala-dalang pagkain ay nagsikain na ang iba dahil sa gutom. Hehehehe

Maraming kaming mga dalang pagkain. Kanya-kanyang toka ang nangyari. Ako nagdala ako ng 3 whole roasted chicken. Mayroon ding arroz valenciana, chicken adobo, pancit palabok at itlog na maalat. May nagdala din ng ihawing liempo at hotdog for the kids. Marami ding chichirya na dala at mayroon ding sisig na ginawang dip para sa nachos. Nagpa-icecream pa ang pinsan kong si Girlie. Hindi namin naubos ang dala naming pagkain. Ang iba nga ay inuwi pa namin. Hehehehe

Sobrang dami ng tao that day. Sabagay, bukod sa Linggo ang araw na yun ay talaga namang sagad sa init ang panahon at talagang ang magbabad sa tubig ang masarap gawin.

Enjoy na enjoy talaga ang mga bata lalo na ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton. Sumakit nga ang pa ko kahahanap sa kanila, kasi palipat-lipat sila ng pool. Hehehehe.

Ang panganay kong anak na si Jake ay talaga namang nag-enjoy sa wave pool samantalang ang bunso ko namang si Anton ay sa Kung Fu Panda at Avatar pool nag-lagi. Hehehe

Bukod sa pagbabantay sa mga bata, nakuntento na lang kami ng asawa kong si Jolly na mag-picture-picture sa mga tanawain at facilities ng resort. Ofcourse na-enjoy ko naman kahit papaano ang pagsi-swimming. Hindi nakapag-swimming ang asawa ko komo may dalaw (monthly period) siya that time. hehehe

Yung picture kay King-kong ang nagustuhan ko sa lahat. Para kasi talagang hawak-hawak ka ni King-kong sa pict. Hehehehe

Yung Kung Fu Panda Statue din ang isa sa mga favorite ko. Ang laki-laki kasi niya at nakakatuwa talaga. hehehe

Ofcourse sa mga beaches or resort na kagaya nito, nagkalat din ang mga tatoo artist na nag-o-offer ng kanilang serbisyo. Kaya naman kaming mag-aama ay naingganyo na mapa-henna din as a souvenir sa aming pagpunta sa Amana.

Naka-alis kami sa place ng mga 5:30 na ng hapon. Pagod pero masaya ang lahat na nilisan namin ang Amana.

Kung babalik pa kami dito? Baka oo...pero off-season na lang siguro. Ang hirap kasi pag ganitong napakarami kang kasabay sa resort. Pwede ding hindi na. Marami naman talagang resort na mapagpipilian ka sa Bulacan. Why not iba naman. hehehe

Let's enjoy the heat of summer!!!!!

Comments

J said…
Aba pati si bunso may henna!

Happy Summer kuya Dennis and family!
Dennis said…
Hahahaha....ewan ko ba J kung bakit naging part na ng swimming yang magpa-henna pagkatapos...hehehe. Ako nga meron din...hahahahaha

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy