FLORES REUNION SA ILOG 2012
Tuwing Sabado de Gloria ay nagkakaroon ng reunion ang pamilya sa ina ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas. Ginagawa ito sa ilog o batis na pag-aari din ng kanilang angkan. May article na din akong naisulat sa archive tungkol pero minarapat ko pa rin na isulat muli ito sa isa pang pagkakataon.
Taun-taon pala ay nage-elect sila kung sino ang mamumuno o pangulo sa susunod na taon. Ang marami naman ay nag-aambag in cash or in kind para na din sa kasayahan ng reunion na ito. Ang pangulo pala sa taong ito ay si Kuya Horacio.
Maaga pa lang ng Sabado de Gloria ay maaga nang gumigising ang mga kalalakihan para katayin ang baboy na ihahanda. Dalawa ang kinatay this time. Isang pang ulam at ang isa naman ay ini-lechon.
Maaga pa lang ay maaga nang nagsimula ang kainan. Ang mga kalalakihan ay busy na sa tagay at ang mga bata naman ay busy na rin sa paliligo sa batisan.
Maraming ulam na inihanda para sa lahat. Hindi nawawala sa handaan nila ang pinalabuan o dinuguan sa mga Taga-Maynila. Ewan ko, pero iba talaga ang dinuguan nila. Masarap at malasa.
May enseladang labanos na ginawa na talaga namang nakakawala ng umay sa mga ulam na nakahanda.
Meron ding ginisang gulay na ito (sa itaas) na hindi ko alam kung ano? hehehe
Ang adobo nila na hindi din nawawala sa mga espesyal na handaan na talaga namang nagustuhan ko ang lasa. Para kasi siyang afritada na caldereta. Hehehehe
Nasa itaas ang afritada nila. Para siyang menudo. Masarap din ito. Iba talaga kapag fresh ang karne ng baboy.
Nasa itaas naman ang kanilang pork pochero. Pork dish din ito na may gulay, saging na saba at garbansos. Manamis-namis ang lasa nito.
Syempre hindi mawawala ang pancit. Bihon guisado to na nilagyan din ng miki noodles.
Naging masaya ang kabuuan ng selebrasyon. Enjoy ang mga bata sa paliligo sa ilog. Ang mga katandaan at kabataan naman ay masaya sa mga palaro na ginawa.
Ako. Nakuntento lang ako sa masarap na pagkain at sa pagbabantay sa aking tatlong anak na naliligo. Hehehehe.
Sana ay magpatuloy ang ganitong mga kasayahan sa hinaharap para sa pagkakabuklod ng angkan ng mga Flores.
Mabuhay tayong lahat!!!!

Comments