HERBED PINK SALMON & MIXED VEGGIES

Bihira lang kaming makakain nitong pink salmon. May kamahalan kasi ang kilo nito. Siguro from P450 to P550 ang per kilo. Pero kahit may kamahalan, sulit na sulit naman talaga ang lasa nito. Kahit kainin mo ito na raw parang sashimi, panalo talaga sa sarap.

Nitong nakaraang mahal na araw, ito ang isa sa mga niluto ko para sa aming dinner. 1/2 kilo lang ang niluto komo may kamahalan nga. Sinamahan ko na lang ng ginisang gulay para pandagdag sa aming ulam.

Sa gulay, yung packed mixed vegetables lang ang binili ko. May kamahalan din kasi kung bibili ako ng paisa-isang klase. Mura lang ang isang pack nito P50 lang.

Ito ang masasabing penitensya sa karne pero hindi sa sarap. Hehehehe.


HERBED SALMON and MIXED VEGGIES

Mga Sangkap:
1/2 kilo Boneless Pink Salmon (cut into 1 inch thick)
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Oregano
Salt and pepper to taste
Olive oil for frying
1 pack Mixed Vegetables
2 tbsp. Oyster Sauce
3 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang asin, paminta, dried basil at dried oregano.
2. Ikiskis sa lahat ng side ng pink salmon ang pinaghalong herbs and spices. Hayaan ng ilang sandali.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang pink salmon sa olive oil hanggang sa maluto.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
5. Ilagay ang mixed vegetable at timplaha ng kaunting asin at paminta. Lagyan din ng kauting tubig. I-stir fry.
6. Ilagay na ang oyster sauce at patuloy na haluin. Huwag i-overcooked.

Ihain ang nilutong pink salmon at mixed veggies habang mainit pa.

Enjoy!!!


This is my entry for:
FTFBadge

Comments

J said…
Kuya yan ang peborit kong fish. Lahat ng luto ng salmon - panalo sa akin.
Dennis said…
Sinabi mo J. Kahit nga yung ulo ng salmon nagustuhan ko na ngayon. Dati di ako mahilig sa mga ulo ng isda but with this salmon...wow! winner ang sinigang sa miso. hehehehe
i♥pinkc00kies said…
winner combination <3
Unknown said…
salmon is really tasty--although i prefer to eat it raw (sashimi), your herbed salmon looks delicious.
Dennis said…
Thanks pinkcookies....:)
Dennis said…
Hi Luna...me too gustoko ng salmon sashimi...pero mga bata kasi di kumakain ng raw....so pan-fried or pan-grilled ang best option. Thanks ofr the visit
Jellybelly said…
Ang sarap naman! Mahal lang ang salmon pero very good for the health :)

<a href="http://www.atwerpslife.com/stickhouse-italian-gelato-on-a-stick/”>The Twerp and I</a>
Dennis said…
Thanks JellyBelly...Oo nga sinabi mo. Itong ngang niluto ko 1/2 kilo for P250. pero Yummy Talaga
Tito Eric said…
Ang sarap naman nito, Dennis. Salmon is my favorite fish. Mahusay ito sa kalusugan natin.
Dennis said…
Lahat pala tayo favorite fish itong pink salmon.....hehehe

Thanks Tito Eric
Jessica said…
I love anything that has fish Kuya Dennis :-) the salmon looks delish and the veggies, it makes a perfect and healthy meals for the family and it looks delish too :-) Dropping by from lasts weeks FTF

http://www.homecookingwithjessy.com/deviled-eggs-from-easter-dinner/
cHeErFuL said…
i agree, its really delicious, we love it too, kaya nga lang expensive nga! anyway, your meal looks so great, its perfect complete for me. visiting late from last week's FTF, hope you can visit me back. thanks and have a great weekend. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy