SINAMPALUKANG MANOK

Ang sinampalukang manok ang kadalasang luto na ginagawa ng aking Inang Lina noong araw sa manok kapag tag-ulan. Pasibol kasi ang puno ng sampalok at marami itong usbong o yung mura nitong dahon na ginagamit na pampa-asim sa sinampalukan.

May recipe na ako nito sa archive pero ang walang dahon ng sampalok akong inilagay. Kaya masasabi kong itong version ko na ito for today ang masasabi kong mas authentic.

Biglaan lang talaga ang pagluto kong ito ng sinampalukang manok. May nakita kasi akong usbong ng sampalok sa palengkeng aking nadaraanan. Nagtataka din ako dahil tag-araw ngayon pero may tinda silang usbong ng sampalok. Well, ewan ko kung saan sila nakakuha nito.

Ang masasabi ko, nagbalik ang aking kabataan ng humihigop na ako ng sabaw ng sinampalukan kong ito. Yun yung lasa ng nakagawian naming iulam noong kami ay bata pa. Naalala ko tuloy ang ang namayapang Inang Lina. She's the best pagdating sa sinampalukan at adobong manok.


SINAMPALUKANG MANOK

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 cups Usbong ng Sampalok (i-blender ang 1 cup na usbong kasama ang 1 cup na tubig)
1 small sachet Sampalok Sinigang Mix
1 taling Sitaw (hiwain ng mga 1 inch ang haba)
2 pcs. Tomatoes Quartered
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
2 thumb size Ginger sliced
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Ilagay na ang manok at timplahan ng patis. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Ilagay ang na-blender na dahol at takpan muli.
4. Lagyan ng tubig sa nais na dami ng sabaw. Takpan at hayaang kumulo. About 15 miutes.
5. Ilagay na ang sitaw at ang 1 cup pa ng ginayat na usbong ng sampalok. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang sitaw.
6. Ilagay na ang sinigang mix.
7. Timplahan pa ng asin o patis ayos sa inyong panlasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Jessica said…
yay! that looks delish Kuya Dennis, miss ko tuloy at makes me drool too :-) Dropping by from FTF

http://www.homecookingwithjessy.com/deviled-eggs-from-easter-dinner/
J said…
Kuya, ano pong difference ng sinampalukang manok at sinigang sa sampalok?

http://notjustafoodblog.blogspot.com
Dennis said…
Tama ka Jessy masarap talaga yan...mas gusto ko ang sinampalukan kesa sa tinola...tapos may sawsawang patis na may sili....wow! Winner talaga....hehehe
Dennis said…
This comment has been removed by the author.
Dennis said…
Almost the same J....ang sinampalukan lang ay ginamitan ng dahon ng sampalok para pampa-asim. In this version nilagyan ko pa ng sinigang mix para mas maasim ang sabaw. Yummy!!!
Dennis said…
Thanks the food dude.... I hope you enjoy it also just like my family.

Thanks again for the visit


Dennis
iska said…
Uy, ang sarap nito! Ganyan din ang nanay ko naglalagay ng dahon... sarap!
i♥pinkc00kies said…
we havent tried this. always kasi sinigang na baboy!
Dennis said…
Thanks Iska......Yan ang orig na sinampalukan...hehehe...yung may dahon ng sampalok.
Dennis said…
Try mo yan pinkcookies.....mas masarap para sa akin. Kahit walang dahon ng sampalok pwede din...Just add sinigang sa sampalok mix.
i♥pinkc00kies said…
we just did last week! haha walang dahon ng sampaloc... masarap nga!
Dennis said…
Try mo naman na may dahon ng sampalok...lalo na ngayon na naguulan na....may usbong na ang puno ng sampalok. Sa mga palengke meron niyan.....
Anonymous said…
ang sinampalukang manok ay halong tinadtad na dahon ng sampalok na mura.at ang sinigang na sa sampalok ay ang gamit ng bunmga ng sampalok na hilaw o kaya sa sinigang mix


Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy